Chapter Four

122 8 0
                                        

Mitsuki's P.O.V

"Hay sa wakas! Huling subject na rin"  bulalas ni Nishinoya.
Tumingin lang ako rito at napatingin din ito sa akin.

"Ok ka lang?" tanong nito.

Bumuntong hininga ako dahil sa tanong niyang iyon.

"I told you, I'm fine ok? Ilang beses mo bang tatanungin yan sakin?" sagot ko sa kanya.

"Sure ka?" balik nitong tanong.

"Hay, ewan ko sa'yo" sagot ko at ibinaling ulit ang tingin ko sa labas ng bintana.

Natunugan ng kaklase namin na wala pa rin ang guro namin para sa huling subject dahilan para magdiwang ang buong klase.

At dahil hindi pa kami pwedeng umuwi dahil sarado pa ang gate ay nagkanya kanyang mundo at grupo itong mga kaklase ko.

Ako naman ay kinuha ang cellphone ko, kinuha ko rin ang headset ko at isinalpak iyon sa tenga ko. Pinatugtog ko ang paborito kong kanta.

Now playing: 神山羊 - YELLOW by Yoh Kamiyama

Sunod ko namang kinuha ang sketchpad ko at itinuloy 'yong ginagawa ko kaninang umaga.

Natigilan ako ng bahagya dahil naalala ko 'yung nangyari kaninang umaga. Napahigpit ang hawak ko sa lapis. I'm not sure if we'll win this one.

Ramdam kong may tumapik sa balikat ko at sa paglingon ko ay nakita ko si Nishinoya. Agad kong tinanggal ang headset sa tenga ko para pakinggan iyong sinasabi niya.

"Ikaw nagdrawing niyan?" tanong nito.

"Hindi, joke lang yan." sagot ko at isinara ang sketchpad ko.

Ayoko nang may makakita pa ng mga ginuhit ko, it's not worth seeing it.

"Pakita hoy!" dinig kong sigaw ni Tanaka. At dahil sa kaba ay agad kong inilagay 'yon sa bag ko.

"Damot" maktol ni Nishinoya.

"It's not worth it seeing ok? Wag na kayong mag-atubiling tignan" sabi ko sa kanila at ibinaling ang tingin ko sa cellphone ko.

Pagkatapos noon ay hindi na nila ako inistorbo, hindi ko namalayan na naka idlip ako. Bigla akong nagising dahil pakiramdam ko ay gabi na. Ngunit pagtingin ko sa labas ay hapon pa lang.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at bahagyang nagulat dahil hindi pa pala tapos ang huling klase. Mahigit tatlongpung minuto akong nakatulog pero pakiramdam ko ay ilang oras na ang nakalipas.

May tumapik sa balikat ko, tinignan ko kung sino iyon at bahagyang kumunot ang noo ko dahil nakita ko si Nishinoya.

Pinatay ko ang music player ng phone ko at tumingin ulit sa kanya. "Anong kailangan mo?" tanong ko dito.

Ngumiti ito bago sumagot "Nood ka ulit ng practice namin" tanong nito.

"Ah, sure why not"

sagot ko na ikinatuwa naman niya at nagtatatalon sa tuwa.

Hay, napapaisip na lang ako kung ilang taon na ba talaga 'to.

Makalipas ang ilang minuto ay tumunog na ang bell sinyales na tapos na ang klase ngayong araw.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay laking gulat ko ng kunin ito ni Nishinoya.

"Hey! Akin yan ano ba?" inis na saad ko.

"Ako na magbubuhat" masayang sabi nito at hinila ako palabas ng room. Sa labas ng room ay naghihintay si Narita, Ennoshita at Tanaka.

"Hoy! ano ka ba dahan dahan ka nga, baka madapa si Mitsuki dahil sayo" paninita ni Ennoshita kay Nishinoya.

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon