Mitsuki's P.O.V
Pangatlong araw ko nang mae-excuse ngayon.
"Ms. Kenta" tawag ng guro sa atensyon ko, kahit ayaw ko mang lumabas ay kinuha ko pa rin ang bag ko at lumabas ng room.
Dire-diretso lang ako papuntang Auditorium dahil doon inilipat yung mga ginagawa ko. ipinasara nila 'yon para magawa ko ng maayos yung dapat kong gawin.
"Ah, Mitsuki. Ok ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Nichida.
"Oo sobra" walang ganang sagot ko at inilapag ang bag ko sa bleachers.
"Kailangan ko ng apron, magsisimula na akong magpintura" sabi ko sa kanya at kinuha yung mga paint brushes at pintura.
"H-hala, wala tayong apron. Sandali, ihihiram kita sa Cafeteria." sabi nito at sinimulang maglakad.
Pinigilan ko siya. "Wag na, magpapalit na lang ako ng P.E Uniform, dala ko naman eh"
"Sigurado ka ba? Ok lang?" bakas ang pag aalala sa tanong niya.
"Ok lang, basta hindi ako gagamit ng apron mula sa Cafeteria. Hindi ko gustong may mangyaring masama sa mga tao dito. Ok, sige pwede mo na akong iwan dahil magtratrabaho na ako" pagtataboy ko sa kanya.
Mukhang may gusto pa siyang sabihin pero hindi na niya itinuloy 'yon at tuluyan nang umalis. Pagka alis niya ay pumunta agad ako ng CR para magpalit at sinimulan ang pagpipinta.
Mabuti nalang at natapos ko na 'yung sketches kahapon. Akala ko aabutin pa 'to ng tatlong araw dahil may mali sa ginuhit ko noong nakaraang araw.
Kumuha ako ng mask at gloves. Sinimulan ko nang buksan ang mga pintura at kumuha ng isang paintbrush.
Huminga ako ng malalim.
"Ok! Time to work!"
Nishinoya's P.O.V
Napaka-boring ng araw na 'to! Pagkatapos ng dalawang subject ay wala nang pumasok na teacher, preparation daw para sa School Festival.
Hindi ko naman mapapanood si Mitsuki dahil inilipat siya ng pwesto kahapon.
*Sigh*
Wala pa kaming gamit para gagawin naming booth, mamayang hapon pa daw namin matatanggap ang funds para dito.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong classroom at nainis lang ako dahil mukang masaya sila at walang problema.
Tch.
"Hoy Noya, problemado ka ata?" tanong ni Tanaka sakin.
Dumukmo lang ako at sinubukang matulog, pero bigo ako dahil biglang may pumasok sa classroom at sinisigaw ang pangalan ko.
"Nishinoya! Gising, excused kayo. Eto na yung pera pangbili ng gamit!" Sigaw ng Auditor ng classroom namin.
"Akin na" dinig kong sabi ni Ennoshita.
Tumayo ako at nag-unat ng kamay.
"Hay sa wakas, may gagawin na din ako!" pasigaw kong sabi.
Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng classroom.Tinignan ko kung anong oras na, malapit na pala magtanghalian. Kumusta na kaya si Mitsuki?

BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanfictionI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...