Tsukishima's P.O.V
"Ako nga pala si Mitsuki, nice meeting you!" sabi nung babae at nagpaalam para umalis.
"Tara na Tsukki" masayang saad ni Yamaguchi at hinila na lang ako papunta ng building namin.
Tsk.
Paano ba nakilala nila Nishinoya-san 'yung babaeng 'yon? Mukhang tomboy, ang laki laki ng hoodie na suot. Mukhang kasya pa ata sakin 'yon. Tapos babagayan niya ng black na skinny? Ang baduy.
Umiling na lang ako at tinabig ang kamay ni Yamaguchi na nakahawak sa kamay ko.
"Kaya kong maglakad, di mo na ako kailangan hilahin pa" sabi ko at ipinamulsa ang aking mga kamay at sinabayan si Yamaguchi maglakad.
Nishinoya's P.O.V
Andito na ako sa classroom ganoon din si Tanaka. Wala pa si Mitsuki dahil kinakausap pa siya ng Homeroom teacher namin.
Napakaingay dito sa classroom at nagkukuwentuhan kami ni Tanaka kasama ang isa pang miyembro ng volleyball team.
"Talaga? sa tingin mo mas maganda siya kay Kiyoko-san? Mukhang tomboy naman ata 'yon" daldal ni Tanak.
"Makikita mo siya kapag pumasok na siya" sabi ko habang kumikinang ang mga mata ko.
Maya maya pa ang pumasok na ang aming guro at sinabing may bago kaming kaklase. Agad naman tinanong nung iba kung babae ba ito o lalake? nalumgkot naman 'yung mga kaklase kong babae dahil hindi lalake ang bago naming kaklase.
Agad naghiyawan yung mga lalaki nang makita nila si Mitsuki.
Pagkatapos magpakilala ni Mitsuki ay pinaupo siya bakanteng upuan na nasa tabi ko. Titig halos lahat ng kaklase ko sa kanya, ngunit ramdam mong medyo ilang siya dahil dito.
Tumikhim ang aming guro at nagsalita, nag iwan lamang ito ng announcement at iba pang activity.
Ang sabi ay wala daw masyadong gagawin ng hapon kundi magprapractice ng cheer para saaming Volleyball team dahil nalalapit na ang Spring Inter High. Pero masyado naman ata silang maaga magpractice, Isa't kalahating buwan pa bago ang Spring Inter High.
Excited at kinakabahan ako para doon. Sisiguraduhin naming mananalo kami sa pagkakataong ito.
[Afternoon]
Napatingin ako kay Mitsuki at nakita kong natutulog ito.
Naalala ko 'yung nangyari kaninang umaga. Nung nakita ko siya ay mukhang maangas at malakas ang personality niya pero hindi pa man natatapos ang araw na ito ay nakikita ko nang hindi siya kagaya ng first impression ko sa kanya.
Malamya siya gumalaw, naalala ko 'yung sa office kanina. Hindi naman ganoon kalakas yung pagkakabangga niya si likod ko kaya imposibleng mapaupo siya, kaya ganoon na lang ang pagkagulat ko.
"Psst, matunaw 'yan" Ngisi ngising saad ni Tanaka.
"Tch, siraulo!" sabi ko sabay batok sa kanya.
Wala kaming teacher ngayon, hindi pumasok.
Naalimpungatan si Mitsuki at umupo ng tuwid matapos kusutin ang mata nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/219227443-288-k768776.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanfictionI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...