Chapter Twenty-eight

60 8 0
                                    

Nishinoya's P.O.V

"Cover!" sigaw ko ng mapalipad ko ang bola.

"Nice receive!" sigaw naman ni Daichi-san. Agad niyang ni-set ang bola papunta kay Kageyama at ilang saglit pa ay naka puntos na ulit kami.

Panalo kami sa set na 'to laban sa Nekoma.

"Finally! Nanalo na tayo!" bulalas ni Asahi-san.

"Ayos ka lang Nishinoya?" napapitlag ako sa tanong ni Daichi-san.

"A-ah, oo naman" sagot ko at uminom ng tubig. Nakita kong lumapit ang team captain ng Nekoma sa'min.

"Mukhang may problema ang libero niyo ngayong araw?" Ngising saad nito, napataas ang kilay ko dahil doon.

"Bakit maayos naman ako ha?" saad ko, siniringan ako ni Daichi-san kaya naman lalo akong napatahimik.

"Nakakagulat lang at ang seryoso at tahimik mo ngayon Nishinoya" nakangiting saad ni Suga-san na agad naman sinang-ayunan ni Kuroo.

"Nagka ganyan yan noong isang araw pagkatapos nung laro ni Mitsuki" sabi ni Tanaka.

"Hoy! Hindi kaya!" sita ko kay Tanaka. "Siraulo gumagawa ka nanaman ng kwento" sigaw ko sa kanya.


"'wag kang mag-alala Noya-san baka mabigla lang katawan niya o napagod kaya ganoon" sambit ni Tanaka bago uminom ng tubig.

"Hindi lang siya napagod" natigilan kami dahil biglang nagsalita si Tsukishima. Tinignan lang namin siya at hinintay kung may sasabihin pa ba ito.


"Hindi lang pagod ang nakuha niya. Masyado din mainit at base sa laro nila kahapon, masyadong mataas ang service ng kalaban niya kaya kailangan salubungin at sikat ng araw. Masakit 'yon sa mata lalo na't malabo din ang mata niya." dagdag ni Tsukishima.

"Good observation Tsukishima. Magaling! magaling!" Ngiti ngiting sabi ni Daichi-san habang tinatapik tapik ang balikat ni Tsukishima.


"Aba! himala, ngayon lang nag-alala si Nishinoya sa isang babae maliban kay Kiyoko" ngingising sabi ni Suga-san.

"Gusto mo ba siya?" tanong ni Kageyama.

"Hindi! siraulo ka ba?! Kaibigan ko 'yon! Siyempre, mag aalala ako!" sigaw ko kay Kageyama "Kung ano-anong pinaglalaban niyo, bahala nga kayo jan!" saad ko at lumabas ng gym.


Mitsuki's P.O.V

Hingal na hingal akong umapak sa huling step ng hagdan sa school na 'to. Grabe ha! 'Di man lang ako na-inform na aakyat pa ako ng mataas na hagdan. Sinubukan ko ulit tawagan si kuya pero hindi niya sinasagot ang tawag.

"Bwisit! Ano ba kasi gagawin ko dito!" bulalas ko, mukha pa namang walang tao dito. Nagpalinga linga ako para tignan kung may tao ba dito.

"Ah, miss? Anong ginagawa mo rito?" inihilig ko ang ulo ko kung saan nanggaling ang boses.

Mohawk?

"Ah, eh. May binibisita lang ako, alam mo ba kung saan ang gym dito?" Mahinanong tanong ko.

Nagtataka man ay itinuro niya ang daan, parehas din naman daw kami ng pupuntahan kaya naman sinabayan na niya ako sa pagpunta roon. Habang naglalakad ay tinanong niya ulit kung anong ginagawa ko roon, sinabi ko naman na pinapunta ako ng kapatid ko.

"Mabuti na lang kakatapos lang namin mag-lunch, kaya malamang nasa gym na halos ang lahat. Baka makita mo doon ang hinahanap mo" tumango lang ako at patuloy sa paglalakad.

Ilang saglit pa ay tumigil kami sa paglalakad at sigurado akong dito na 'yung gym. Nagpasalamat lang ako sa lalaking kasama bago siya sinundan sa pagpasok sa gym.

"Wah! Mimi-san!" Napatingin ako sa nagsalita.

"Hinata?" takang saad ko. Napatingin ako sa kabuohan ng gym at kita ko ang buong Volleyball team ng Karasuno. Nakatingin ang iba sa akin na tila ba nakakita sila ng multo, mukhang hindi lang Karasuno ang nandito kundi pati ang ibang Volleyball team mula sa iba't ibang school na hindi naman ako pamilyar.

"Mi-chan!" Agad akong napalingon sa likod ko at nakita si Kuya na naglalakad papalapit sa akin.

"Kilala mo siya Mimi-san?" Pasigaw na tanong ni Hinata, lumapit din saakin ang team at halata ko ang pakagulat sa mga mukha nila.

"Mi-chan, 'di ba sabi ko sayo tawagan mo 'ko kapag nandito ka na?" Saad ni kuya na ikina-inis ko. Umakbay pa siya sa 'kin kaya lalo akong nainis at kumalas sa pagkaka-akbay niya.

"Tawag my ass, hindi mo nga sinasagot eh. Gusto mo bang sakalin kita jan kuya?" Inis na sambit ko.

"KUYA?!" ibinaling ko ang paningin ko sa team.

"Oo, kuya ko siya. Magkakilala pala kayo?" Saad ko at inayos ang buhok kong ginulo ni kuya.

"Upo ka muna doon, kasama 'nung mga manager. Karasuno, gather up in front of the stage. We'll start the training." Saad ni kuya at hinila ako papalapit sa isang kumpol ng mga lalaki.

"Uy, ikaw 'yung kanina ah" saad ni Mohawk boy. Tumango ako at nagpasalamat muli sa kanya.

"Ah, siya nga pala--" singit ni kuya. Tumingin ang lahat kay kuya, "Ito nga pala si Mitsuki, kapatid ko. Mitsuki, team ko nga pala" pagpapakilala niya.

"Kapatid?!" bakas ang pagkagulat ng iba sa sinabi ni kuya, maliban lang sa lalaking matangkad at lalaking maliit na blonde at mahaba ang buhok.

"Wah, ang ganda mo naman po! Ako nga pala si Lev!" Masayang pagpapakilala ng lalaking matangkad, magpapakilala pa sana ang iba ng pumagitna si kuya at sinabing kailangan na magsimula ng training. Agad silang sumunod sa sinabi ni kuya at ako naman ay pumunta lang doon sa sinasabi ni kuya.

Natuwa ako ng mahagip ng mata ko si Kiyoko-san, tinawag ko siya at mukhang nagulat ito dahil nakita niya ako. Ganoon pa man ay ipinakilala niya ako sa iba pang babae na kasama niya, mga managers daw sila mula sa ibang school.

Habang nanood ng mga naglalaro ay nagkwentuhan kami, I don't know why but I felt happiness while with them.

Epekto na rin siguro na puro lalaki ang nakakasama ko simula noong dumating ako dito sa Japan.

I'm kinda relieved at that moment, napatanong na lang ako sa sarili ko kung may mga kaibigan ba ako dati bago ako ma-aksidente at magkaroon ng amnesia.


----------

A/N:

I think this chapter will stir up everything, Lmao. But I'll be fixing this one sa English version ng book. Hehe, Thank you for reading! Please vote for this chapter! 😊

By the way, I changed the book cover. All thanks to maskedtruths for the wonderful bookcover. Try reading some of her stories, Especially 'yung Broken Ending (it's really good!)

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon