Chapter Thirty three

40 3 0
                                    

Kuroo's P.O.V

Napatayo ako bigla ng malaman ko mula kay mama na inaapoy ng lagnat si Mitsuki. "Sige, pauwi na ako. Bibili na din ako ng gamot" ibinaba ko ang tawag.

"Bakit Kuroo? Anong nangyari?" Marahang tanong ni Kenma, kakatapos lang ng training namin ngayong araw kaya naman halos kararating lang ni Kenma mula sa gym.

"Nilalagnat daw si Mitsuki eh, uuwi muna ako. Dadalhan ko lang siya ng gamot" tugon ko. Isinuot ko ang tracksuit ko at kinuha ang sapatos ko. Dali dali akong nagpaalam kila coach, mabuti na lang pumayag sila. Anong oras na din kasi, baka daw wala na akong masakyan.

Mabuti na lang may naabutan pa akong tren, pagkatapos kong bumili ng gamot ay dali dali akong umuwi.

Mitsuki's P.O.V

"Kuya" mahinang saad ko ng pumasok ito sa kwarto.

Bumuntong hininga ito, "Ganto pala pakiramdam kapag nag-aalala ka sa kapatid mo"

Natawa ako sa sinabi niya, "Ang OA mo kuya, lagnat lang naman 'to"

"Sabihin mo nga, saan ka pumunta kahapon? Hindi ka raw pumasok." Tanong nito.

Ugh! How did he know?
"Sa bahay lang, kahapon pa masama pakiramdam ko eh."

He looked at me suspiciously, "Totoo ba 'yan?"

"Ofcourse! Why would I lie?" Inis na saad ko, lalong sumasakit ulo ko sa tuwing nagsasalita ako. Can't he just stop asking questions?

"Balita ko, pumunta ka sa school niyo pagkatapos ng practice match ng Karasuno. Sabihin mo nga ang totoo Mitsuki." He sounded like he's my boyfriend and I'm her girl who lied about something.

"Something happened yesterday that I need to go back to school para tawagin sila Tooru" inis na tugon ko.

"Tooru?" Pag-uulit niya sa pangalang binanggit ko.

"Mm. He's the captain of Aoba Johsai Volleyball team"

"I mean, kilala ko siya pero bakit naman kailangan mo pa siya kaladkarin papunta sa kung saan? Nagdate ba kayo or what?" Kahit nanghihina ako ay nagawa ko pa rin sapakin si kuya.

"Siraulo, hindi naman ako ganoong klase ng babae." Hinimas niya ang kamay niyang sinapak ko.

"Nag-aalala lang kasi ako" bulong nito.

Napangiti ako. "Don't worry wala kaming ginawang masama, I really have a deep reason to drag him out the school. It's something that you mustn't know, you're not involved with it."

Nalungkot ito lalo, kahit na mukhang gusto pa niyang magtanong ay pinigilan niya ang sarili niya. "Magpapalit lang ako, babalik din ako. Babantayan kita"

"Siraulo ka ba! Kaya ko na sarili ko, magpahinga ka na doon may training ka pa bukas. I can't be a burden to you, tsaka hindi na ako bata ok?"

"Alam mo, hindi ko alam kung may sakit ka ba talaga o wala. Makasigaw ka jan wagas. Wag ka nang maarte, ako magbabantay sayo--" natigil siya sa pagsasalita nung biglang pumasok si Mama.

"Ang ingay mo Tetsuro! Hala sige na, magpahinga ka na doon. Ako na magbabantay kay Mitsuki"

Magrereklamo pa sana si kuya pero itinulak siya ni mama palabas ng kwarto kaya wala na siyang nagawa.

Kuroo's P.O.V

Kanina pa ako hindi tinatantanan nitong libero ng Karasuno kung nasaan daw si Mitsuki. "Sabi ko sayo, nasa bahay! Bakit ba ang kulit mo?" Bulalas ko.

Napakamot ito ng batok at bigla na lang tumakbo paalis, parang ewan! Nasisiraan yata ng bait.

Pagkabukas ko sa pinto ng kwarto ng team namin ay bumungad si Yamamoto sakin. "Asan na si Mitsuki-chan?" Agad na tanong niya.

"Back off Yamamoto, wag 'yung kapatid ko." Saad ko at dumiretso kung saan nakasampay 'yung mga  jersey namin.

"Oh Kuroo, ikaw pala. Morning" bati ni Kenma. Tumango lang ako bilang tugon. "Musta na pala si Mitsuki?" Tanong niya.

"Mataas pa rin lagnat niya, hindi yata umeepekto 'yung gamot na binili ko." Tugon ko.
Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko ang volleyball shoes ko.

"Bibisitahin ko siya mamayang hapon, nagpaalam na ako kila coach. Isasama ko si Shoyo" walang ganang saad nito.

Napalingon ako bigla sa kanya, "Bakit kailangan mo pang isama si pandak?"

"Gusto daw sumama eh"

Huminga ako ng malalim, "siguraduhin niyo lang na hindi mapapagod 'yung kapatid ko. Kung hindi kukunin ko 'yang PSP mo" pagbabanta ko kay Kenma.

He darted a bored look on me. "Pwede ba Kuroo wag mo dinadamay 'tong PSP ko" marahang sagot niya. Ngumisi lang ako at nagkibit balikat, bahala sila jan.

Tinawag ko na ang buong team para makapag-warm up na kami sa gym.

----------

Author's message:

Ok. You know what? I'm really worried right now kasi nga magshashut down ang Wattpad mamayang 4pm-6pm (or maybe longer). Ang ipinag-aalala ko lang ay baka ma-apektuhan yung mga stories ko (even other authors out their) lol. But I hope walang maging issue sa maintenance nila. At walang ma-apektuhan na writers and readers out there.

Masyado akong paranoid. ;-;

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon