01.07.2015

10 0 0
                                    

EJ❤AJ 5th Anniversary
A Surprise

Wednesday

"HAPPY ANNIVERSARY MY LOVE! I LOVE YOU WITH ALL THAT I AM :)))"

- EJ CENA, 12:15 AM

-*-*-*-*-*-''♥♡♥''-*-*-*-*-*-

Nakatulog na ko kagabi sa sobrang antok. I have nothing to look forward today naman because both EJ and I have duty calls. Pero binati niya pala ko kaninang madaling araw. Siya din unang nagtext this morning..

"Good morning my love :)

Dito na ako sa school. Treat this day a special day. Kahit di tayo magksama. Wag magpapastress at wag kalilimutang ngumiti. Thanks for everything jay, kahit madalas tayong di nagkakasundo at mukang sukong suko ka na sakin. I Love you~"

- EJ CENA, 7:00 AM

Hindi katulad ng dati, hindi na ko naghahangad na magiging extra special ang araw na to. O gumawa ng paraan para magkita at magkasama kami para magcelebrate. Ayokong ipilit. Kasi hindi talaga pwede. Babawi na lang kami sa ibang araw. Tutal, pupunta naman kami sa Enchanted Kingdom sa Holiday. Yun na lang. Dun na lang.

Hindi ko naman masyadong inisip. Neutral na lang naman emosyon ko. Sa totoo lang, hindi naman kami nagcecelebrate talaga. So no big deal.

I treated the day as if it's just a normal day. It seemed like my emotional hormones were no longer high. And that's a good thing.

Nakapag-adjust naman ako. There were things that I needed to accomplish lang. Especially the 3rd Quarter grades. Hindi ko alam kung paano ko gagawan ng paraan yung mabababang computations kaya medyo nakaka stress. So far, nakakapag lessons naman ako. Since Wednesday, 20 minutes lang ang English class ko with IV-Diligence. Then, pumalit na si T. Josie.

-*-*-

So, eto na...

Pagbalik ko ng faculty. Pagkaupong-pagkaupo ko. Pumasok si Kuya Demboy.

Kuya Demboy: "T. April, may naghahanap sa'yo."

Ako naman medyo napaisip. Meron ba kong atraso? May magulang bang gustong kumausap sakin? Hala. Sino kaya yun?

Ako: "Sino po yun kuya?"

Kuya Demboy: "Ewan ko."

Ako: "Eh nasaan po?"

Kuya Demboy: "Nasa labas cher."

Ako: "Bakit po nasa labas? Bakit daw po Kuya?"

Kuya Demboy: (Nakangiti ng malawak) "Secret!"

Ako: "Hala?"

O diba sunod-sunod na tanong. Napatingin ako sa mga teachers na kasalukuyang nasa loob din ng faculty room. Nandun lang si T. Ivan, nakatingin. Si T. Jessie naman, busy may kausap sa phone. Wala talaga kong ideya kung sino yung naghahanap sakin. Napaisip ako kung may inorder ba ko online? Wala naman. Hindi ko pa naman ginamit ang address ng school sa kung saan mang transaksyon.

Ay shinsha! Bahala na nga! >_<

Sumunod ako sa labas kay Kuya Demboy. Then, boom! May t-boom na nandun sa may waiting area. Hindi ko naman siya kilala eh. Bakit niya ko hinahanap? -_-

Then, it dawned on me. May hawak-hawak pala siya na isang bouquet of flowers. Napatingin ako kay Kuya Chris. Kila Kuya Demboy. Pati na sa mga fetchers na nakatambay dun. Balik tingin sa t-boom na may hawak-hawak na boquet ng flowers. Nakaramdam ako ng hiya. Lahat ng mga mata nila, nasakin pala.

What's going on? What's the meaning of this?

Kuya Chris: "Teach, para sayo daw yang flowers."

Teka. Teka. Nagugulumihanan ako. Flowers?

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon