04.24.2015

5 0 0
                                    

Making Bolinao Magic Happen

Friday

Nakasabay kong kumain ng breakfast sa Hele room kanina. Nagkwento siya ng history ng school. Na bahay daw talaga yun dati. Isang malaking mansyon. At may swimming pool. Na obvious naman dahil may naiwan pang bakas ng estraktura ng pool sa playground. Hindi ko maalis na maging alerto at mapag dalawang isip sa mga sinasabi ko sa kanya. May benefit of the doubt, oo. Pero mas mabuti na ring mag doble ng ingat.

Me: "Sorry labs, nakatulog na ko agad around 6 kahapon. Ginising ako ni mama para kumain kaso mas gusto kong ituloy tulog ko. Ayun. Kagigising ko lang. Good morning :*"

EJ: "Good morning my love :)

Dito nako sa school. Naexpire na pla yung load ko nung wed pa XD

Kaya pla di na kita matext kanina. Naubos na extra load ko. Kakaload ko lang. Andito na ko school. May mga tinatapos lang :)) Kamusta ka na? Namimis kita~"

Me: "Haha ako din xtra load lang din gamit ko. Di pa rin ako nakakapagregster ulit. Dito na ko sa school. :) Tuloy ka ba sa bolinao?"

EJ: "Ako kasi alis na ako sa monday so kelangan ko na magpaload. Nahahassle ako ngayon. Dami ko pang di tapos na reports eh aalis na ako papuntang davao :("

Me: "Kaya mo yan :)"

EJ: "Yup. Mmaya alis namin, sunday ng hapon siguro nsa bahay na ako, kaso alis ata kami papuntang davao ng madaling araw. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko dpa ko handa. Anyway, 1st time kong sasakay sa aeroplaaane heehee :D"

Me: "Yey! Im so excited for you. Dapat dun ka sa tabi ng window."

EJ: "Hehe. *crossfingers*"

Me: "Punta din daw sila ate sa bolinao. :) kaso di ko alam kung abot ako. Sabi ko gusto kong sumama kaso hapon daw sila alis. Pinipilit ko pang gabi na lang. :)"

EJ: "Yuuun! Hahaha. Sana magkita tayo dun ;) Lam mo na~"

Me: "Haha. Ang cool nga eh. Kaso di ko pa sure kung makaksama ko."

EJ: "fingers crossed again :)"

Sabay-sabay kaming nag lunch. Inaasar ni T. Irene si T. Elsha. Nasaksihan kasi niya ang pagkagiliw ni Kuya Ariel kay Elsha. Si Kuya Ariel ang dati naming tinatawag na Kuya Sungit. Pero nakikipagbiruan naman na siya samin ngayon. Natatandaan ko, kahit naman si T. Jenn, kinagigiliwan rin nun ni Kuya Ariel. Noon pa man daw, masungit na daw talaga yun. Tinatawag naman daw nila si Kuya na Boy Sungit. Ngayon nga lang daw nakita ni T. Irene na ngumiti si Kuya Ariel kaya todo ang pang-aasar niya kay Elsha. Pero siyempre, todo awat si T. Josie. May asawa na ata yun kasi si Kuya. Hindi daw magandang asarin dun si T. Elsha.

May pinabiling melon si T. Irene kanina kay Kuya Jun. Nakakapagtaka man, pero syempre, nakikain na rin ako. Naisip ko lang na sa pagkakaalam ko, bawal mag-utos sa mga Kuya ang teachers kung hindi naman related sa school. Eh siya nakuha niyang magpabili ng Melon.

But anyway, T. Irene told us about T. Jovie, preschool teacher just resigned recently. And according to Des, naglabas daw ng sama ng loob sa kanya kagabi. Nagpahintay kasi para magpapirma. T. Jovie told her na nagtatampo daw ito kasi parang hindi man lang daw pinigilan man lang. To at least make her feel na ayaw nila siyang umalis. Well, life~

-*-*-*

T. Ninfa: "good morning, teachers tuloy po ang seminar natin.ako n po n ang mgpapabook s victory liner o knya-knya tyo?"

Me: "Goodmorning cher. Pasabay na lang din po nung akin. Thank you po."

T. Ninfa: "Ok."

-*-*-*

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon