02.11.2015

6 0 0
                                    

Fifty Shades of Me

Wednesday

Swerte. Nakasabay ako sa pag-alis ni Kuya Godi with Alexa (Oo. May pangalan yung kotse niyang Innova. Parang si Chase, pinangalanan ding 'Red' yung kanya.)

Kuya Godi told me na dadaan daw siyang Makati, malapit sa Munisipyo. He's heading somewhere lagpas ng Rockwell. Tamang-tama, pwede na kong bumaba sa Bliss. Convenient at nakatipid ako ng pamasahe. Lumagpas ako under ng Guadalupe Bridge dahil naka go yung traffic light pero wala naman yung problema. Nahirapan nga lang akong tumawid dahil mabibilis ang sasakyan. May pagkabuwis buhay. I figured out na mas okay kung lakarin ko sa babaan bago umakyat paliko yung mga jeep (babaan ng mga tao papuntang shortcut pasakayan sa MRT). Sumakay ako ng L. Guinto at bumaba sa Felipe St.

**

Pero may kakaiba ngayon.

I can't get a hold of EJ. And it seemed like he's not doing something in order to get a hold of me. And it's weird because he usually does. He just posted on my wall and then a reply from my message and that was it.

Me: "Are you online? I texted you and was trying to call you. It just beeps. Ngayon ko lang nabasa post mo. Ganun pa din phone mo?"

EJ: "sira phone ko. wala na din ako load. baka sa sahod na lang ako paload ulit."

Darn. What's his problem? Walang Goodnight o I love you, too? Ganun ba siya ka depress sa sirang phone niya?

**

It's Jaireb's birthday. We were lucky to have a sphagetti and chicken for breakfast. Nakain ko agad kasi sakto lang. Gutom ako. :D

***

T. Kristoff decided na mauna na sa Market Market para makabili ng tickets. Mas maaga kasi ang out niya kesa sakin. While his out is 3:30, mine is 5 PM.

Before I leave school, nagpalit muna ako ng damit. Hindi kasi ako komportable sa uniform ko. Sira kasi yung zipper ng pants ko. Pinaayos ko na yun kay Janice pero nasira ulit. Tinamad na kong ipa repair sa Tailoring Shop. Sa bakasyon na siguro. Nagtaka tuloy sila kung bakit may lakad ako. Saan daw ako pupunta. Hindi ko naman kelangang magsinungaling sa kanila na manonood nga kami ni Toff. I referred it as a date pero I wasn't serious though. I was expecting naman kasing maiintindihan nila at hindi bibigyan ng malisya.

They had this Ewww Reaction - What?

You're going to watch 50 Shades of Grey? It's porn. A love story but still a porn. No. Porn yan na ginawan lang ng storyline.

Ok. Hands up. "Mauna na ko guys." Na realize ko pagkaalis, hindi ko sila niyaya. With those reactions? Maiisip mo pa bang yayain? <sigh>

Toff: "Nkbli n ko tickets. Konte n lng seats. Buti nauna na ko. Haha. Mejo mhba pila. May ipabibili ka na food?"

Me: "Oh? Hm.. ikaw? Ano bibilin mong food mo? Bibili ka ba ng iyo? Kung oo. Anong bibilin mo? :D"

Toff: "Magfries ako sa potato corner. Tsaka zagu."

Me: "Mag bff fries na lang tayo. :)"

Toff: "Hm. Tag isa?"

Me: "Kaya ba nating ubusin yun?"

Toff: "Ewan. Feeling ko kaya m. Haha."

Me: "Hahaha. Grabe ka. Anu? Yun na lang. Malapit na ko mag out."

Toff: "Bitin stin yun promise. Ang siba m e. Ano na sayo?"

Me: "Haha yun na nga. Tapos. Ano pa ba. Bihis lang ako. Punta na ko"

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon