Random Thoughts of a Teacher

20 0 0
                                    

Dati... Sabi ng kaibigan ko, "Teacher na teacher ka na ah." Hindi ko alam kung compliment ba, kasi di na ko tulad ng dati na mukhang batang pinabibili ng nanay ng suka sa tindahan o insulto kasi kamukha ko na si Miss Tapia.

Tanong niya, "Sinong naaalala mong teacher na nakakapag inspire sayo ngayon?" Syet. Pakiramdam ko tanong siya sa game show na kailangang pag-isipan ang sagot. Isa-isa kong hinukay sa baul ng utak ko ang mga naging teachers ko noon at kung anong naging experiences ko sa kanila. Wala naman akong pinagnasaan o naging crush na teacher since pre-school hanggang post graduate. Wala. Wala rin akong naging favorite. May mga mangilan-ngilan lang na natatandaan ko dahil sa panglalait at dahil sila din ay nilalait ng mga kapwa ko estudyante.

Eh ngayon, teacher na rin ako. Tapos na ang school year 2014-2015. Naisip ko. Pagtanda kaya nila... Kapag nakahanap na sila ng kanya-kanyang career, mapapangasawa at nagkaanak. Maiisip kaya nila ko? Matatandaan kaya nila ang mga pinagsasasabi kong pangaral sa kanila? Mai-aapply kaya nila ito sa kanilang buhay. O ibabaon nila sa limot katulad ng bagsak nilang grades tuwing exams? Masasabi kaya nilang, "T. April was right. Choice nating gumawa ng mali. Basta ready ka sa kapalit na consequences. Nasan na kaya siya ngayon? Ambait pa naman nun. Kinuha na kaya siya ni Lord? Balak ko pa naman siyang regaluhan ng bagong model ng Toyota cars kasi pinasa niya ko noon kahit hindi ako nagpasa ng project. Masearch nga siya sa Facebook."

Wala akong ganitong memory bilang estudyante. Wala akong gustong dalawin at balikang teachers. Hindi naman ako teacher's pet. Gusto ko kasi ng tahimik na buhay. Kahit nung first year high school eh gustong-gusto nila kong ilaban sa mg estudyante ng section 1. Balik sa tanong na sasagutin ko ng isa pang tanong, "Eh bakit nga ba ko nag teacher?"

Bukod sa stable na trabaho. Sabi nga ng cliche na kasabihan, "Teaching creates all the other professions." Sige na nga, pampalubag-loob sa maliit na sahod.

Mahirap magturo. Pero wala namang madaling trabaho. Nag eenjoy na lang dahil sa mga bata. Hindi lang naman sila ang natututo. Maging ako. Sabi ko kay Lord, kapag hindi ako pumasa sa LET. Babalik ako sa BPO Industry at baka yun ang calling ko - ang sumagot ng mga calls. Eh kaso sabi ni Lord, mas bagay daw akong makipag-usap at mapaligiran ng mga bata kesa sa mga matatandang palamura, galit sa mundo at laging kulang sa tulog kahit mataas ang sahod. Sabi pa niya, "Anak, wala kang choice. Pinasa kita. May lisensya ka na. May nag-alay pa ng buhay para tulungan ka. Magturo ka sa abot ng iyong makakaya." At dahil isa kong masunuring bata, ang tangi ko na lang nasagot ay, "Ok po."

Dati akong call center agent. Ngayon, teacher. Hindi po ako perpektong tao. Pero marami na kong naranasan at napagdaanan. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Pero makita ko lang ang ngiti ng mga bata, malaman ko lang na may nagawa ako para sa pagkatuto nila... Hay... Sarap mag daydream na one day, pagagawan din nila ko ng rebulto kagaya ni Rizal. At itayo sa cornfields ng isang far far away land.

-END-

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon