03.25.2015

2 0 0
                                    

Graduation Day

Wednesday

It's hard for me to try explaining my thoughts to people, and even harder trying to get them to understand me.

***

"Hello teachers good morning! No more meeting room 12. Please proceed to coral room A @ B for the dressing rooms. Coral rooms are located at the mezanine. Enter smx glass door then left turn. See you 10am... Wer almost done here. Godbless us all."

Cc: t.myrna and karen

--

Me to EJ: "Goodmorning jaypot, we're on our way to MOA. Sana matapos agad itoooo. Magfoformal attire na naman. Amp. Kain na paggising. I love you~"

Formal attire = Gala gown

--

Medyo late na ko gumising than usual. Ang usapan kasi namin ni Kristoff, susunduin na lang niya ko. Hahatid kami ng Papa niya with their tricycle hanggang Housing (na nadiscover lang namin na yun din ang lugar na tinatawag naming Water Fun).

Kristoff: "Good morning! Sasabay daw satin si Symon. Para maliit lang pamasahe. :)"

Me: "Goodmorning, go. keri lang~"

Toff: "Ready ka na?"

Me: "Yes po. Alis na tayo?"

Toff: "Di pa. Papagas pa si father saglet."

Me: "Okies."

Tumawag nga rin si Elsha kanina. Ang aga nga eh. Parang siya yung gagraduate. Excited. XD She asked kung magpapaayos pa ko. Sabi ko hindi na. Haha. Hindi ko naman moment yun. Moment ng mga Grade 6 pupils.

After a while, nagtext na si Toff, "Labas ka na." Ready naman na ako. I wore my yellow summer shirt kasi yun din naman nabanggit ni T. Josie na susuotin niya. Gaya na lang din ako. Dinala ko na lang yung gala and other stuffs needed sa pag-aayos ng sarili mamaya. Their tricycle was already there waiting outside. Sakay naman ako agad. We headed to Water Fun/Housing para naman i-meet si Symon and wait for Elsha with the cab.

Naghintay kami sa isang karinderya. Para hindi naman nakakahiyang tumambay, bumili si Toff ng Mountain Dew. Ako naman, Maja tapos Cobra. Lakas ng trip ko eh no?

Dumating si Sy. Nag-abang kami sa island. Na nasa gitnang parte na dinadaan ng mga sasakyan. I called Elsha thru Sy's phone para itanong kung nasaan na siya. Then bam! May sasakyang nahagip daw ng truck, according dun sa dalawang kasama ko. Hindi ko naman nakita kasi busy akong nakikipag-usap kay Elsha. Nang lumingon ako, may nakita lang akong kotseng nakatigil. Sa paligid niyang lupa, shattered glass. Wala namang taong nangielam. Wala rin namang enforcers. Sabi tuloy ni Toff, "Hala. Grabe. Parang kinabahan ako para sa buhay natin dito ah."

Medyo matagal rin bago dumating si Elsha in the taxi. Dun pa niya kami pinasakay kung saan may aksidente kanina. Natagalan daw siya kasi may binalikan pa daw siya.

In the taxi, napag-usapan na mag Egress si Toff. Egress - kasama siya sa mga magtatanggal or tutulong sa pagligpit ng mga gamit after the event. Hindi pala siya dapat kasama dun. Umamin si Symon na siya daw talaga ang dahilan at may kasalanan.

Nakakatawa lang kasi, nagtanong si Toff kung sino at paano pupuntang MOA si Beasty niya (tawag niya kay Shane). Nagkatinginan na lang kami ni Shang. Wala eh. Walang pinagbago. Namamansin lang talaga yung taong yun kapag kelangan lang.

Tama si Shang, kapit-tuko si Shane sa best friend niya - Si Donna. As in, kay Donna lang siya nakikipag-usap, tawa nga siya ng tawa at ang ingay niya, kapag andyan lang si Donna. Para bang si Donna lang ang nag eexist sa mundo. Hindi naman ako against dun. Napansin ko lang. XD

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon