03.01.2015

8 0 0
                                    

Black Sheep

Sunday

Pagkagising namin, nagkasundo kaming huwag munang tapusin ang walang sisidlang kaligayahan.

Pero lahat ng bagay may katapusan. At eto na ang oras ng pagbalik sa reyalidad.

Hinahanap na rin kasi ako.

Kuya Fred: "Nu oras a daw uwi?"

Ako: "Ay. Kababasa ko lang. Lobat eh. Late na kami nagising. Baka tanghali na. Kain lang daw po. Tas uwi na ko."

Kuya Fred: "Ok."

We ate breakfast at KFC na pwede na ring umabot hanggang lunch. Ang dami kong nakain.

I just remember EJ describing me as the 'Black Sheep' in the circle of Malnourish Group namin. Saan ba yun nag-umpisa? Sa text Clan na kami ni Warren ang nagtatag. Natatandaan ko pa nga Y-I Group yung name. Yuki, Yuri, Yumi, Yuhii etc mga codenames namin. Tapos nabuwag pero that was the start. The original members ng circle ay ako, Warren, Elton, Giselle, Louigie at MJ. Nadagdag si Paul at Mary Joy na minsan lang rin naman sumama. Pero kung original ang pag-uusapan. Ako lang naiiba sa kanilang lahat. Iba raw kasi personality ko. Hindi ako gamer katulad nila. Hindi rin nerdy. Kumbaga, kaibigan nila ko pero I don't really fit in. Ang alam ko kasi, I was the one who started and influenced them to watch anime. Tapos nagustuhan nila. Eventually, naadik at naging Otaku. Ako naman, sakto lang. May limit pa rin. And then, in the end... Nag li-low. Tuluyang umalis dahil hindi na yun ang mundo ko. Minsan bumabalik pero hindi tumatagal. Ako raw yung Black Sheep. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang pagiging Black Sheep ko - compliment ba yun o insulto?

--

When I got home, walang tao sa bahay.It was past 12 noon. I did laundry for my Thursday uniform and undergaments.

--

Napansin kong may message si Ella sa Messenger kagabi pa, 7:43 PM. I decided na replyan na rin kahit late na.

Ella: "Ate Prul. ^-^"

Me: "Hey."

Ella: "How are ya ate? ^-^ Imissyouuu."

Me: "Okay naman deary. ^-^ Ikaw?"

Ella: "Okay din naman ate. ^-^"

Nagbasa lang ako konti ng 'Si' para malibang ang sarili habang kumakain na rin ng dinner. Pero may bigla akong narealize. Hindi pala ako okay. At the same time, nakaramdam rin ako bigla ng takot.

--

As soon as it hits me, I immediately texted EJ.

Me: "Jay? Gising ka?"

EJ: "Yep. Kagigising ko lang, panget ng napaginip ko. Kumakain ako ngayon pot. Kamusta? Miss na kita :("

Me: "Jay, uhm.. anu napanaginipan mo?"

EJ: "Dko na matandaan. Parts lang, si papa kasi sigaw ng sigaw kanina kaya nagising ako. Muntik na kasi matalo purefoods."

Me: "Kinakabahan ako.."

EJ: "Bakit? :("

Inihain ko sa kanya ang problema. Mas maganda na siguro yun kesa pareho kaming mabigla.

EJ: "Bakit ka natatakot?"

Me: "Uhm.. sorry. Naisip ko lng bgla. Im lame. Sorry."

EJ: "*sigh*"

--

I've been doing research. Pero mas lalo lang akong nagiging anxious. Ewan ko. Pakiramdam ko tuloy, literal na black sheep nga ako.

-*-

Mom asked me to accompany her in Puregold. Bibili raw siya ng TV. Antaray. Pero pakiramdam ko ang ibig sabihin talaga ng 'Samahan mo ko sa Puregold tumingin ng TV' ay 'Punta tayo ng Puregold, bilhan mo ko ng TV'. Kaya humugot ako ng tag limandaang piso sa taguan ko ng pera bago lumabas ng kwarto.

Nakabili kami ng 15" flat screen TV na Fukuda ang tatak. Since pag tindahan lang naman ni mama, halos pwede niya rin namang iuwi paminsan-minsan. Mukhang okay naman kasi HDMI na. Pwede ko ring saksakan ng Flash Drive or Hard Disk. Tinuruan siya ni sales agent kung paano gagawin para makapag scan ng channels yung magiging TV niya. It costed php5,900. php3,500 lang nilabas ni mama. Ako na nagbayad ng php2,500. Balak ko pa naman sana bumili ng gatas. >_<

Bibili rin sana kami ng bunny antenna kaso php500 yung pinakamura sa katabing shop. Sabi ko kay mama, dun na lang siya sa may Muslim sa baba ng tulay bumili bukas. She agreed naman kaya umuwi na rin kami.

--

May isang malaking tanong na nabuo ngayong araw. At matagal-tagal rin ang hihintayin bago malaman ang kasagutan.

--

Sinewerte lang ako para ngayong Linggo. Hindi ko kinailangang maglaba ng maraming damit at magplantsa ng uniporme. Sana tuwing Linggo palaging ganito. ^-^

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon