05.10.2015

4 0 0
                                    

Mother's Day: Welcome Home

Sunday

I was thinking of what to do today. Mom was asking kung sasama ba ko sa National Kidney Institute sa pagdalaw kay Kuya Godi. I still can't decide. Plus, I really wanna do something for her since it's Mother's Day. Pero iniisip ko rin si EJ whom will be back here in Manila from long days of being gone since he needed to stay in Davao for Palarong Pambansa. Of course I also want to see him. Ang tagal din naming hindi nagkita. Wala lang din ako sa wisyong mag-isip kagabi kaya hindi ako nakapagplano ng maayos. Ang drama drama ko pa.

Yet, today... Lightbulb!

Naligo na ko bago pa man ako pumunta sa shop ni mama. Alam mo na. Routine. Every Sunday about 10:00-11:00 AM, I need to drop by in our store so I could assist her. Ako rin kasi pinapapunta niya sa office ng church para maningil ng isang linggong pag susupply namin sa kanila ng newspaper. And so, I finally able to decide what to do.

I already brought my bag with me. Kinuha ko na rin lahat ng perang natira na sa huling sweldo ko. After mom's errands, I declared that I won't be able to come with them later to visit Kuya Godi. Nagpaalam akong imi meet si EJ kasi nga he'll be back from Davao. I gave php500 and suggested na bili na lang ng cake sila para dalhin doon.

"1140 flight. 140 makakarating ng manila." - EJ

I didn't tell him my plans. Pero sa kanya ko lang din nalaman na may bagyo pala. I checked it in the newspaper. Uh. Meron nga. Dodong ang pangalan. Kaya pala malakas din yung ulang dumaan kagabi. Mas affted ang areas sa bandang Isabela at iba pang bahagi ng Northern Luzon.It's almost 12 noon pero since 1:40 PM ang estimated time niya na makakarating sa Manila Airport, I took my time. Umuwi muna ako ulit para kumain ng brunch (breakfast and lunch). Nanonood pa nga ang mga kids na Tagalog dubbed ng Shrek. Nakinood ako ng konti kasi ayoko pa rin umalis agad. Pero since after lunch time sila aalis at ayokong maabutan pa ko ni mama, nagdecide na ko umalis.

Ayokong maabutan ni mama for the reason that I put an envelope on our bed. Yung envelope na yun ang gift ko sa kanya for this Mother's Day. Naglalaman yun ng limpak-limpak na salapi. Deh. Joke lang siyempre. As if naman. Magkano lang naman ang sinesweldo ko. Haha. Panay kasi ang bukambibig nun na may mga bayarin daw. Kulang daw ng pambayad ekek. Hindi na lang ako nag ko comment. But this time, I hope kahit papano eh makabawas sa stress niya sa pag iisip ng pagkukuhanan ng pambayad yung perang ibibigay ko. Nilagyan ko na lang ng post it label na:

To: Nanay

"Happy Mother's Day"

From: Prul

Oh. Diba ang sweet ko? Pero hindi eh. Actually, disappointed ako sa sarili ko. Hindi ko kasi maexpress ng harapan kay mama yung sweetness ko. Hindi ko siya malambing. Ewan ko kung bakit. -_- I wanna hug her. Kiss her in the forehead. Tell her how I love her. And how she's amazing kasi nakakaya niyang mag-isa kahit wala si Papa. I know she has her lonely days. May mga panahong noon na nalaman naming nakikipag penpal siya - Ate Wina disapproved dahil inmates yung ka-penpal ni mama. I know. It's not right to judge. Siguro, bilang anak...protective lang din kami kay mama. At ang pinakasimple pero hindi ko rin nagawa for her... Hindi ko rin siya personal na nabati. I suck at this. Ugh!

-*-*-*-

Juno Halili: "Goodmorning po greet ko lang kau happy mothers day po^_^ Godbless us always. *advance greetings although your already a mother of many hehe."

Me: "Hindi pa po ako nanay. Haha. But happy mothers day din sa iyong nanay. :)"

Juno: "Soon haha."

Me: "Tagal pa ;)"

Juno: "If you say so:b hows your vacation?"

Me: "Wala namang bakasyon samin."

Juno: "Akala ko nag baguio ka?"

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon