02.12.2015

12 0 0
                                    

Pusong Ewan

Thursday

"Two Days in a weekend is not good enough for me."

--

Ejay Cena

FEB 11, 11:21 PM

"sira phone ko. wala na din ako load. baka sa sahod na lang ako paload ulit."

So nagreply naman pala siya kagabi. Haist. I replied,

Me: "Ok. Anyway, goodmorning. Expire na rin load ko. I guess di na rin muna ako magloload. Ingat pagpasok. Ligo na ko. I love you."

EJ: "good morning. school na ko."

Me: "Ang cold mo naman. Anong meron? Bat ang sungit mo?"

EJ: "ok na phone ko. though naghahang pa din kapag binubuksan ko. txt ka na lan."

What is his problem? Damn it.

-*-*-

Bryan: "Teacher, may bibigay ako sa'yo. Regalo ko para sa Valentines Day."

Parang alam ko na kung ano. Pero nagbago isip niya at hindi muna ibinigay. Yung isang bagay na matagal na niyang ipinangako na ikinaasam ko naman.

Bryan: "Ay teacher. Bukas na lang pala."

Wala naman siya bukas kasama ng mga classmates niya at si Toff bilang adviser nila. Nasa IMC Diego ang Grade VI para sa ACLE.

ACLE - (Alternative Classroom Learning Experience) A chance for them to experience a day as a High School student in IMC.

-*-*-

After my tutorial with Hailey, pakiramdam ko, pagod na pagod na ko. Pero sumaglit pa rin ako sa night market sa labas ng Guada Mall para maghanap ng kahit na anong kulay red na pwedeng isuot para bukas.

Valentines. Kung kelan naman malapit na ang Araw ng mga Puso, tsaka naman cold and distant si EJ sakin. Parang wala kong boyfriend. Nakakaramdam tuloy ako ng lungkot. At inis.

"Eh ano ngayon kung Valentines Day sa Sabado? Eh parang hindi ko naman maramdaman. Pssshhh."

Pinost ko 'to sa FB. Ano ngayon kung sabihin nilang bitter ako? At that moment, yun talaga nararamdaman ko. Sa sobrang inis, hindi ko maiwasang sadyaing magpahaging. Baka sakali lang namang mapansin niyang naghihinampo na ko sa kanya. Nakakainis kasi. Sobra. May mga nag comment, at di ko inaasahang isa dun si Toff na nagsabing, "Ramdam kita Eps!" Mabuti na nga lang at hindi naman na matutuloy ang sanang pasok namin hanggang tanghali this Saturday kasama ni T. Toff para mag flyering. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba yung desisyon na yun ni Sir TJ, o panghihinayangan.

Nakabili naman ako ng damit. So pull-overs pala ang tawag sa mga trip kong damit. Nakabili ako ng isa na kulay red, na may kulay black na mga puso. Tamang-tama. Bumili na rin ako ng dalawang t-shirt.

Then I received an odd text message from Juno:

Juno: "Hey prul, kindly explain from mark twain. "A man who carries a cat by the tail learns something he can learn no other way" :b"

Me: "Nose bleeds *\('-')/"

Juno: "Hahaha nahirapan ako explain at intindihin bka sakaling you could give some hahaha."

Me: "Learning the hard way? I guess."

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon