08.04.2015

3 0 0
                                    

All These Little Things

Tuesday

Same sh*t. Late ako for 4 minutes. Nahirapan na naman akong sumakay bound to 7 Eleven so I guess I have to go back with riding Bliss for a while now. Nagtricycle na rin ako on my way to school but I anticipated na malelate na rin talaga ko.

Napansin ko lang na walang log in si Elsha. She's absent for today dahil sinumpong na naman ng sakit sa ngipin. Medyo nanibago ako dahil medyo payapa ang Faculty room. Isa kasi si Elsha sa nagpapaingay sa room.

Sabi ni Teacher Daisy, magbabaliktad ang schedule every Friday because of FID. Yung 8AM-5PM (kabilang ako dun), ay magiging 6:30AM-3:30PM. Hooray! Pero kailangan kong matutong gumising ng maaga. Psssh! We were given the schedule na nga eh. Playtime nga lang daw pag FID. Kaso this whole month of August, naka Filipiniana rin kami every Friday kasabay ng FID. Sige. Goodluck!

**

Me: "Goodmorning, sorry late text. Late na rin ako dumating sa school. Medyo nawawala na. Pero meron pa rin. Sasamahan naman daw ako ng co teacher ko so i think tuloy ko na rin ang pagpapacheck up."

EJ: "Panu kita pupuntahan?"

**

According to Ms. Diane, our Genyo Specialist, ako raw ang pinakamaraming log in sa Genyo so far. Huh? Eh halos di ko nga buksan yun kasi wala namang internet sa bahay. Nag Genyo lang din ako today sa Grade 2. Epic fail kasi ako sa Grade 1 nung Friday dahil dapat Mozilla Firefox daw ang gamit na browser. Eh naghahanap na naman ng another plug-ins. Kakatamad kayang mag download ulit.

Nagulat lang ako dahil busy siyang gumawa ng membership board for Clubs. Ginagawa niya yung Math Club for Teacher Elsha kasi nga absent yung babaeng yun. Nakita ko yung gawa ni Toff na Science Club at simple lang din naman. May gawa na rin sina Teachers Chiqui for English Club at Quinie for Filipino Club. Whoa! Pagbalik ko tuloy ng Faculty, nakigawa na rin ako. Medyo umiral ang pagiging creative at artistic ko nung mga oras na yun dahil naisipan kong mag border ng libro courtesy of Google malamang. Madalian lang din. Book Lovers Club ang hawak ko. Well, saktong-sakto ah.. :D Pero I doubt na may gagawin kami sa Clubs. Wala namang designated time or day for the Clubs to give way to the FID.

Nakakatuwa lang si Ms. Diane, ang kulit lang niya kasi baka daw masabihan siya ni Teacher Elsha na ang pangit ng gawa niya. Ikinumpara niya kasi yung gawa niya sakin. Eh bilang may konting kaartehan ang gawa ko, nahiya siya sa gawa niya. -_- Eh nadaan lang naman yun sa pag mamount sa different colors.

Pinost nila sa labas so pupils from Grades 4-6 can choose for the clubs they want to participate. 2 Clubs per pupil only.

As usual, Science and Math gained the highest numbers. Filipino was the least.

**

Sabi pala ni Teacher Quinie, bawal sakin ang chocolates. Wala na nga ako halos makain. -_- Kaya yun na lang ang kinakain ko pero bawal daw yun. She also said na kahit hindi na raw ako tumawag sa Intellicare. Dumeretso na lang daw ako sa St. Lukes. 24 hours daw yun bukas.

***

Nag sub pala ko sa Grade 3. Nag game quiz lang ako with them. I divided them into 3 groups. 3 members each. They use their whiteboard and markers for the activity. I asked them random questions in Math. Nanghiram na lang ako ng Math book kay Alijah. Nakakatuwa nga yung batang yun kasi nagkamali ng sagot sa isang problem. Naaliw din naman ako sa kanila.

***

EJ:  "Kakauwi ko lang. Hirap sumakay. Kamusta? Panu kita puntahan?"

Me: "Dito pa ko sa skul. Do ko rin alam papunta dun."

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon