07.01.2015

4 0 0
                                    

Today's Mantra

Wednesday

I dropped by at Bambang to buy myself yet again another pancit bihon.

Me: "Isang pancit bihon po ulit." (Bumili rin kasi ako kahapon.)

Ateng Tindera: "Walang kamatayang pancit bihon."

Me: "Haha. Oo nga po eh. Pampahaba po ng buhay."

Ateng Tindera: "Saan ka na kumakain niyan? Sa office mo, pagdating mo na?"

Me: "Ay opo." (Office daw. Hindi school. Hindi teacher ang tingin sakin ni ate.)

Ateng Tindera: "Akala ko pinapaabot mo pa ng lunch time eh. Mainit pa naman yan pag binibili mo."

--

We have a new Kuya pala since Kuya Demboy resigned. His name is Kuya Joel but to what I heard from Teacher Daisy, this new Kuya has a bad reputation.

Congrats samin ni Toff. Nakasakay kami agad paglabas ng school at nakauwi kami today na maliwanag pa. Nasa bahay na ko ng 6:45 PM.

I had three missed calls saved from the number as Teacher Des. I'm sure it's from Robert, Des/Shiela's husband. Nag alala na naman kay Des. Ngayon ko lang nacheck ang phone dahil sa kabusy-han sa panonood ng Attack on Titans.

Robert: "Ask ko lng po Kasabay mu pu ba umuwi c shiela thanks."

Me: "Sorry. Now lang ako nakapagcheck. Nakauwi na ba sya? Hindi kami magkasabay."

Des: "Dto na q t.apRil, hehe naiwan q kc f0n q.bka dw nangank na aq.haha."

Me: "Hahaha. Kase namaaaan. Pinag aalala mo si heart mo."

Des: "Haha.alam nya naman nkalimuTan q f0n q eh.:)"

kabuwanan na ni Des. Malapit na siyang mag leave. And according to Teacher Daisy, ayaw daw magpadala ng sub teacher ni a.k.a Babalu. Mas bagay sa kanya yung ganung tawag. Ayoko na ng a.k.a Bobby, masyadong maganda para sa pangit niyang ugali.

Kumain ako pagkadating ng bahay. Afterwards, nagpatugtog ako since naitransfer ko naman kanina yung mga songs na dinownload ko kahapon. Nakakatampo lang na nung nagkita kami ni EJ nung Sunday, he suddenly thought of us exchanging a list of songs in each of our album that we will be listening to. Magbibigay ako ng limang kantang pinapakinggan ko at magbibigay naman siya ng limang kantang pinapakinggan niya. Nakapagsend ako agad sa kanya immediately after I got home from out date pero siya hanggang ngayon, wala pa rin.

I was almost asleep when I remembered my sticky notes in my Lenovo. Physically damaged yung netbook ko but still functioning but I don't know what to do with it anymore. Bibili na ba ko ng bago? Kelangan pa rin kasing ipareformat dahil kung anu-ano na namang pop ups ang lumalabas. Bigla pang napalitan yung Chrome ko ng ibang web server. Sabi ni Toff napareformat na niya raw yung kanya and it costed him, php800. Natawa lang ako na sana raw may 'reformat process' para sa tao dahil gusto niya raw gawin sa sarili niya para naman makabuo na siya ng sentence at hindi na siya mali-mali. :D

Dati ko pa nga yun naisip. Na sana may restart button o kaya reset settings o kaya delete memory ang tao...

--

Seriously, I miss both Alex and Demie.

--

Yung ginising ako ni mama saying, "Ano? Buong magdamag na lang bang tutunog yan?", referring to my phone playing music. Nagising naman ako. I just turned it off and immediately went back to sleep.

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon