01.10.2015

7 0 0
                                    

Francine and Kuya Al Post Birthday Celebration

Saturday

Grabe yung tulog ko. Past 12 noon na ko nagising. Kung hindi pa nga ata ako ginising ni mama, hindi pa talaga ko gigising. Halos kalahating araw agad ang lumipas.

Ang sarap kasing matuloooooooog!!!! >_<

Mom woke me up telling me about going to Active Fun for Francine and Kuya Al's birthday celebration. Halos kagigising ko lang din nung tumawag si EJ thru phone. I told Zac to greet him. Ang aga-aga kasing nangungulit ng Zac, Zoe at Zai.

Pero sama-sama kaming pumunta nila mama, Xen and the Yaneza family sa event dahil nag SM Makati pa sila Kuya Fred.

While on our way to the Active Fun, nagbasa muna ako sa Wattpad ng other stories. Nakikibasa pala yung dalawang magaling na bata (Sophie and DK) na nakadungaw mula sa backseat. -_- Rated SPG pa naman yung binabasa ko. Amp.

Birthday din pala ni Uncle Manuel. Kaya dumating din sila sa event ni Auntie Josette.

I decided to be my boyish style para naman makapag-beats headset ako. Hindi ko kasi nagagamit. Hindi naman bagay kung mag dedress ako tapos may suot-suot akong malaking headset sa ulo ko. Kaya nahiling ko na lang tuloy na sana lang talaga ay wala akong makitang estudyante dun. Pormahan ko na naman kasi, parang kaklase ko lang ang grade 6.

Nakakatuwa lang ang unlimited cotton candy at popcorn. Pati na rin fruits and mallows dip in chocolate fountain.

The program started. Highlight lang ang games para sa mga bata. Tapos pinakita rin sa AVP yung mga pictures namin ni Francine na kuha nung birthday ni DK.

May part lang din na napasayaw ako ng de oras kasi kasama ako sa tinawag ni Ate Ghen. >_< Hinatak ko na lang si Lelay para may makausap akong kakilala. Para kaming nag ja-just dance. Na ang sinusundan namin ay yung sumasayaw na host. Yung sinayaw namin, sa pagkakatanda ko ay yung sinasayaw nila Shane at Elsha nung Christmas na may heel, toe, shoulder ek ek. Sumayaw na lang ako at hindi na nag-inarte. Meron pala dun na nasa stage na sabi nila, sumali daw sa That's My Tomboy, contest sa It's Showtime. Kaya siyempre, natuon sa kanya ang atensyon. Nagperform siya mag-isa ng 'Shake It Off' pero pagdating sa dulo ay nag-inarte bigla kaya halos saglit lang siya sumayaw.

Binigyan kami ni auntie Josette ng belated Christmas gifts. Just like we received last year, 2015 planner ulit. I also received something from Timmy pero hindi ko pa nabuksan.

Nagpaplano pala sila Ate Wina na mag overnight stay with Auntie and Uncle for the Papal's visit on either Friday or Sunday daw.

-*-*-*-

Kristin and I chatted thru Messenger about some of her teen issues. Sabi ko na lang, wag niya ng pinag-iiisip ang mga bagay-bagay.

-*-*-*-

Kila Kuya Fred ako sumabay pauwi. I tried to finish some of my entries in Wattpad bago natulog.

Ang gusto ko lang gawin ngayong weekend ay matulog ng matulog.

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon