02.13.2015

10 0 0
                                    

Paint the Town Red

Friday

Friday the 13th but I consider myself lucky. Nakasabay ako ulit kay Alexa today.

----

Red.

My favorite color. And I see it everywhere.

**

"Goodmorning. :)"

- EJ, thru Messenger

He finally greeted me with a smiley. Nasa good mood na? Tsss.. Ako naman ang nawalan na ng gana. Sabayan pa ng gloomy weather. -_-

Me: "Im on my way to school. Gray skies and gloomy friday the 13th. Ingat. I love you~"

EJ: "Hey labs. May load nako, pinaloadan ako nung isa kong stujante :) Pangbalentayms hehe. Anyway, good morning~ Busy busyhan muna ko. Dami gagawin ngayon."

Eh di siya na nilo-loadan ng estudyante niya. Ay ewan. Mapurul! Para kang ewan na baliw. Kung kelan okay na yung isa, tsaka ka pa nag-inarte bigla. >_< Dang!

--

Thanks to Jhiyan's ulam na pang-breakfast. Nakakain ako ng masarap na almusal ngayong araw. May mga nagbigay ng bulaklak, isang tunay at ang iba ay artipisyal. Si Renzi, Ayeesha, Jerome at iba pa. Yung iba naman katulad ni Emil at Anika ay chocolates ang ibinigay. Marami ring sumulat. Nakakataba ng puso. ♥♥♥ Hindi ko inaasahan.

F.I.D. ng mga bata. Unang subject ko Science. Experiment and observe. Boring sabi ng ilan sa mga grade 4 pero wala naman akong magagawa dahil yun ang kelangan naming gawin. Pasalamat nga sila at nakahiram ako ng goma mula kay Kuya Cris.

Sumunod ang Grade 5 na hanggang 11:40 AM ay nakasama ko. Nagpasagot lang ako ng worksheets at nagpagawa ng notes mula sa pulang colored paper na ginupit para maging hugis puso.

--

EJ: "Boss, nakauwi na ko."

Me: "Sige, dito pa ko sa school."..

What should I say? This is getting out of hand.

Me: "Pauwi na ko."

No reply.

Me: "I'm home."

Still nothing. Fine!

-*-*-

Nagtext din si Intet asking if I'm free later tonight:

Intet: "Hi Ms. Pde ba mkipag date mmaya?"

Me: "Uh huh. Around what time and where? I'm out by 5PM."

Ang tagal niyang magreply. Pagkatapos ng klase ko, maaga kong nag out dahil kasabay ko si Toff umuwi. Galing pa siyang IMC Diego dahil nga sa ACLE. Weird kasi napapansin kong tahimik siya at hindi gaanong nakikihalubilo sa ibang teachers. Nagtaka rin ako dahil nagkasundo yung ibang teachers na pumunta ng Market-Market. Sila Donna, Riza at Shane ata. At hindi sumama si Kristoff. Hindi naman din nila ko niyaya. Sa tingin ko, kung sakali.. Hindi rin naman ako sasama. Pakiramdam ko kasi, pagod na pagod ako at sobrang inaantok.

Katulad ng napagkakasunduan at nakasanayan, kapag kami ni Toff ang magkasabay, nagtatricycle na kami sa Pateros hanggang sa bahay. Dun ko nalaman ang kasagutan kung bakit tahimik siya madalas.

He opened up to me. Isang bagay na hindi ko inaasahan. Madali kong naintindihan kung bakit parang kakaiba ang mga kinikilos niya nitong mga nakaraang araw.

He described it as 'separation anxiety'. Since the others will no longer stay in the next school year, he said it's better that as early as now, he'll get used to being without them. He confessed that he'll miss Donna, Jenn and Jessie big time. But Shane is an exemption. He said he has bad blood with her and he just can't explain why. I thought it might be because of whatever argument they had long time ago. And nawalan na rin kasi siyang nagkwento at mag open up kay Donna kasi kinekwento raw kay Shane.

Nagtanong si Elsha thru Messenger kung naggala pa kami. Alam mo na naman na sinagot ko. Ininform ko lang din naman siya about sa charger at nga goodies (bigay ng mga bata this Valentines) na naiwan niya.

-*-*-

Me: "Hui. Tapos na klase ko. Miss.. Pauwi na ko."

Tet: "Uuwi ka na ba kagad?"

Me: "Yup. Wat tym na tayo magkikita?"

Tet: "Pede ka po ba ng mga 8?"

Me: "Hmmm... San tayo?"

Tet: "Mcdo. ;)"

Me: "Branch?"

Tet: "Puregold Miss."

Me: "Osige. Text k n lng miss. I'm going to sleep muna."

It was fine with me meeting Tet for tonight. In fact, I already told mom about it when I arrived home. But I really felt tired and I lay down on my bed without changing my clothes.

I fell asleep immediately. It has been sleep-awake-sleep-awake moment. I was checking my phone for Tet's reply but received none.

I finally woke up past 12 noon. I texted Tet, "Di ka na nagtext miss." And I got nothing.

I felt sorry for myself~

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon