06.22.2015

4 0 0
                                    

How is me?

Monday

Nag alarm. Sunod-sunod. Naririnig ko na rin ang ingay ng mga kulets sa sala dahil nakauwang ang pintuan ko sa kwarto. Sabi ko sa sarili ko... "Extend pa.. 8 AM pa naman ang pasok mo. Kahit 6:30 ka na bumangon."

Nakakainis. Ang dami kong gustong gawin. Manood. Maglaba. Magbasa ng libro (Natigil na naman ang pagbabasa ko ng 'Love in the Time of Cholera'). Magsulat ng one shot stories. At pag update sa journal entries ko sa 'The Universe of Someone' (Although, paperless na ang pagsulat dahil sa Wattpad). Malamang, kung nagoyo ka ng title nito, ngayon, sising-sisi ka nang in-add mo ang libro ko sa Reading List dahil akala mo may mababasa kang interesante dito. Pero akala mo lang yun. :D

Minsan kasi, wala rin ako sa mood na mag update dahil hindi rin madalas gumagana ang utak ko kapag pag-uungkat na ng mga pangyayari sa nakaraan ang pinipilit kong gawin. May mga bagay na lumipas na ang napakahirap ng balikan. Kaya ang dami-daming blangko. Parang fragments na lang ang naisusulat ko.

--

Me: "Goodmorning, im on my way to school. Another day to serve. Rakenrol. I love you~"

EJ: "Good morning love~ sorry late txt, katatapos lang ng 1st class ko. Di nako nakatxt kasi late ako. Anyway, may issue ako ngayon sa school. Meron daw akong student na bnubully."

Hindi ko alam kung anong irereply ko. Wala naman akong maibibigay na assurance na okay lang na may issue siya. Na magiging okay din ang lahat. Minsan kasi, iba rin siyang magbiro. Hindi ko alam ang buong istorya kaya mahirap na rin ang magreact.

While I was on my way to school. Tumawag si T. Jean to ask our branch's landline. Nahiya ako sa kanya kasi hindi ko siya masagot. Hindi ko rin kasi kabisado. XD Tinext ko na lang sa kanya pagkadating ko ng school: 8831031

Since T. Josie told me about another route in going to school. Dun na ko dumadaan. Lahat na lang ata ng landmark, panaderya - including this one. Pero mas madaling tandaan ang Western Union ad na makikita sa Antipolo St. paglagpas ng Imporio. Kanan papuntang Mactan St tapos kaliwa pababa nun tapos school na.

Though badtrip lang kasi hindi ako nakakakain ng breakfast. Tapos work agad pagdating. Binigay ko yung mga Cumulative Report from Teacher Anne na binigay nung Friday. Pati na rin yung Science poster. Then, I hurriedly work on my Lesson Plan. Di pa kasi ako tapos. T_T But at least, napasa ko naman yung Student's Directory ko. Deadline pala nun today.

May bagong tsika si T. Daisy. Ang pinag-iinitan naman daw ngayon sa Diego ay si Ate Raquel daw. Hindi ko siya masyadong kilala. Sinumbong daw kasi ni 'Bobby' na hindi niya nakikita sa CCTV. Nagtatago daw at mukhang wala daw ginagawa.

--

Well, I tried my best to get back on track and have normal classes. Apat lang naman. Underload ako kung tutuusin. Three levels lang din ang hawak ko. Grades 1, 2 & 4.

Julianna, Trisha's classmate (who are both in Grade 5 now at hindi ko na hawak :() was asking if I will no longer update my 'A Teacher's Diary' in my old account. Trisha answered her for me, "Di ba nga sinabi na ni Teacher sa last part? Nakalagay dun hindi na siya mag aupdate." And since, nandun na rin lang sila, I asked them to  follow me in the Faculty so I could give Roshan's slumbook back to them. Last year ko pa yun na confiscate. So I think, it's time to return it. Sila na lang ang magbigay. :p

Dahil underload ako. Sa ancillary ako bumabawi. Kaya kapag nakikita ako nila KC and his classmates, they were telling me they miss me. May kasama pang hugs. Awww. Nakakatats. :)

--

So far, okay naman. Nag release lang ako ng Cumulative report to be filled in by the parents and another one pertaining of making a color coded bag tag para daw hindi malito ang mga kuya in carrying their big bags in their respective rooms.

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon