03.05.2015

8 0 0
                                    

Draw Lots

Thursday

"Space is sitting with your friend in silence, space is allowing her to find her way in her time, space is sometimes suspending judgement, space is not always needing to have the right words or the right advice, and space can be simply walking away for a time, even just to stand a short distance away..

~

Yeah. Because living things need space to transform.

#SpacesBetweenUs"

FROM: Bubb, 12:13 AM

---

Gigising sa tunog ng alarm. Aalalahanin kung may panaginip ba bago nagising. Susubukang magnakaw ng ilang minuto pang pagtulog. Magigising ulit. Babangon. Lalabas ng kwarto. Magpapainit ng tubig. Pupunta sa banyo para maglabas ng dumi sa loob ng katawan. Babalikan na ang ngayo'y kumukulong tubig. Pupunta sa liguan. Magsesepilyo. Maglilinis ng dumi sa buong katawan. Magbibihis. Maghahanap ng pagkaing pwedeng baunin. Lalabas. Makikipagsapalaran para makasakay ng jeep. Kapag punuan, konting abante papunta sa Barangay Hall ng Bambang. Makakasalubong ng naglalako ng taho. Gusto sananag bumili kaso magiging dahilan yun ng pag kalate sa trabaho kaya kakalimutan ang sarap ng taho at dederetso sa jeep na nakitaan na binabaan ng pasahero. At kahit hindi naman ako bumili ng taho kanina, na late pa rin ako - ng 1 minute.

Sabi ni T. Josie, magkakaroon daw ng draw lots dahil kelangan ng tatlong teachers as examiners for NAT - Grade 6 to be assigned in Tibagan Elementary School. Malay ko kung saan yun. Sabi nila Shane, nadadaanan daw namin yun pag bumabyahe.

Nag-alangan ako nung sinabing draw lots. Parang may kung anong elemento ang bumulong sakin na, "Lagooot ka. Malamang ikaw yan!", with matching evil laugh. Pero siyempre, hopia pa rin na sana mali ang aking hinala.

Gumawa si T. Josie ng bunutan. May tag-isang bituin na nakaguhit sa tatlong papel at tatlong blangko sa tatlo pang papel. Ito ang magdidikta ng mmga kapalaran namin. Sabi nila, 'it's time to shine' para sa mga makakabunot ng stars. Dyahe. Nababagabag talaga ko.

Si Shane, dineclare na hindi raw siya yun. Ako naman, ang hula ko eh, kaming mga teachers na assist sa Brain Quest ulit ang magkakasama. Ewan ko. Basta. Pakiramdam ko lang.

At dahil ayaw na rin namang patagalin ni Shane. Siya ang unang bumunot. Tama siya. Nang magkaalamanan na. Haha.

Pagkatapos niyang bumunot ng isa, at mag-ingay na hindi umayon sa kanya ang kanyang deklarasyon kanina, alam ko na. 1 out of 3 confirmed. Next one to pick was Jenn. The paper she chose was blank. Congrats to her. >_< I was the next one and I got a paper with star. Dang! I knew it! 2g out of 3 confirmed. Si Elsha na lang. Kaso may klase siya. It was Donna who had the chance to pick. I bet Shane was silently praying Donna to be with us but again, her prayers failed. Donna had the blank paper which means, the paper left has the star in it. And Elsha would no longer have a choice. 3 out of 3 confirmed. So automatically, she'll be with me and Shane on Thursday next week. Ha! May powers ako. Tama ang kutob kong kaming tatlo na naman ni Elsha at Shane ang magkakasama.

Dahil first time ko. Adventure time na naman. Hindi ko pa naman na experience mag proctor for this school year every Periodical Test. Lagot na. Sana naman, walang maganap na aberya. Ayokong mawalan ng lisensya.

--

I let the grade 4 finish their Artwork for T. Jenn. Wala na naman kaming dapat gawin. Review na lang. I stayed with Gwyneth's group consisting of Trisha, Bianca, Julianna and Acemour. About music yung ginagawa nila. They requested na magpatugtog ako kaya petix lang.

Nagalit nga lang ako sa kabilang group kasi instead na gumawa ng Artwork, ginawa nilang 'freetime' yung English time ko. Ginawa nila ang gusto nila, eh sinabi ko na ngang tapusin nila yung artwork. Nakakainis. -_- The group consists of Ysabella, Roshan, Bernadine, Allen, and Gayle.. 'Pag sila nagsama-sama, talagang walang magkukusa eh. Gusto kasi puro laro.

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon