09.01.2015

1 0 0
                                    

Falling Out Of Love

Tuesday

I alarmed my phone for five consecutive timeslots. Maybe it'll work so I could have the motivation to wake up. A distraction maybe so I would not think of going back to sleep.

Kahit pa... Ayoko nang mangarap. Mas gusto kong managinip na lang.

When I checked my phone, there's no good night message from EJ. I have one message but it's from Bubb, saying, "OMO!! Nakarinig ako ng Christmas song, bigla kong naalala September na nga pala! Haha~ Simulan na ng countdown! Happy September mga repa~"

Tama. September na. Ber months. Ito ata yung mga panahong nakahibernate yung serotonin hormones ko. At hindi ko alam kung paano ko ba ichi-cheer up ang sarili.

Pensiveness and blue devils, leave me alone please.

Lahat nang nakikita ko at naiisip ko about my relationship with EJ, is all becoming negative. If I can't handle him and he can't handle me when we're arguing, I think... we couldn't make our relationship work. Lalo pa't we're planning to step on the next stage. Our argument last Saturday proved that we're not yet ready. Especially him. Priority ko raw ang mga estudyante ko kaysa kanya? WTF. In the first place, he knew about my plans of seeing them. I didn't even forced him to go where I was. He fucking volunteered. And how old is he? 24! Fucking 24! Ang mga estudyante ko, almost but not quite teenagers pa lang. I can't just leave them alone lalo pa't mga anak-mayaman. I had to make sure they're somewhere safe. Kahit wala naman na talagang safe na lugar dito sa Pilipinas.

This also happened when I had my allergies. Yung nag attitude siya. Hindi kami natuloy na magkita because of my condition. But he got the worse out of me. Hindi man lang niya naisip na dalawin na lang sana ko. So, I guess... He's really selfish. Sinabi ko na to sa kanya. In his face. Malapit ko nang maabot yung rurok ng dulo ng pasensya ko. Hindi naman pwedeng ako na lang palagi ang iintindi. Tao lang din ako. Napapagod din. At oo. Pagod na ko. Pagod na pagod na. Mahal ko siya pero ang hirap niyang mahalin.

'Kelan ka ikakasal?'

Isang putang inang tanong na ayoko nang marinig. Kasi baka hindi na... Kasi ayoko na. Ang hirap magmahal sa taong walang ibang iniisip kung hindi ang sarili lang.

~

See? After I texted him my goodmorning greeting, "G'morning, im on my way to school. Stay safe. I love you~" I got nothing. Sabihin na nating parang scripted na lang at prescribed yung greeting ko. Pero siya nga wala. Pati good night kagabi at nung nagdaang gabi, wala. Pero ang lakas niyang makapagsabi na, 'Hindi kita maramdaman'. Tang ina. Ang dami dami niyang reklamo sakin. Na hindi raw kasi ako ganito, ganyan. Sorry po. Hindi kasi ako perpekto.

Samantalang ako, nagpipipipihan kahit ang dami-dami ko ring reklamo sa kanya. Pilit ko lang inuunawa. Tsss. Okay fine. This sounded biased because this is of course, my side. Pero tang ina kasi talaga eh. Hanggang kelan ako maghihintay para maging 'tunay na lalaki' siya?

Hindi ako palamura. Hindi ako mahilig mamakyu. Pero na adopt ko na to sa kanya. And I'm so upset. Siya lang ba may karapatang magmura at magalit? No. Damn no. Ang nakakabwisit lang, overused sa kanya ang profane language. Yung tipong out of nowhere, magmumura siya. Yung 'wow' at 'astig' niya, ang equivalent mura. Puro basura lumalabas sa bibig niya. Sana nga nakakabaho ng hininga para itigil niya na.

**

More than 5 years. Tang ina. Unti-unti na namang nawawala ang pananampalataya ko sa pag-ibig.

~

I also texted Bubb, I actually felt guilty on not replying to her text last night.

Me: "Sorry bubb, nakatulog na ko kagabi. Im on my way to school."

The Universe of Someone Called ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon