Caution 3 - Final Training

642 24 19
                                        

Copyright © matthew_14, 2015.

All rights reserved.

A/N

Hello Readers! I’m so sorry kasi one month akong hindi nakapag-update. Naging busy lang dahil sa Graduating College Student na nga ako. So, babawi ako sa chapter na ‘to, ENJOY!

-M

 

Chapter 3

Evan’s POV

Naka-alis kami sa Safe zone ng ligtas, dahil nga’t pinasabog namin ‘to ay halos lahat ng mga zombie doon ay nasunog, at sumabog. Ngayon, kasama ko si Mark na naglalakad sa isang subdivision. Nakita kasi namin ‘to habang naglalakad kami sa kalsada at naghahanap ng makakain. Gutom na kasi kami, hindi naging sapat ang nakuha namin na pagkain sa Safe zone, kaya ito, nga-nga.

Habang naglalakad kami ni Mark, nakapatong lang sa braso ko ‘yung crowbar ko, samantalang ang baril ko ay naka-sukbit lang sa katawan ko. Mayroon din akong salamin na pang-rakista, para kaming nagmo-model kung makapag-lakad dito.

Si Mark, ayon, tuwang-tuwa  dahil may nakita siyang isang pack ng sigarilyo. Ngayon, feel na feel niya ‘yung pagyo-yosi niya, habang hawak-hawak ang auto-shotgun na baril niya. Siguro, kulang na lang sa’min ay isang malakas na tugtog at maangas na lahat.

Patuloy parin kaming nag-lalakad, kahit sobrang tirik ng sinag ng araw. Puro basura, sasakyan na sira-sira, at kalat-kalat na bangkay ng tao at puro natuyong dugo.Sa ‘di kalayuan,  nakakita naman kami ng mga limang pirasong zombie na may kinakain na isang tao, hindi ko ‘yon pinansin, pero si Mark, bigla silang sinitsitan.

Agad naman silang napatingin sa amin, at ako rin ay napatingin sa kanya. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ‘yon, ang tawagin ang mga zombie.

“Anong ginawa mo?” tanong ko sa kanya habang nakatayo na lang kami

“Wala, e, boring.” nakakatamad niyang sagot.

“Tss,” wala na akong nasabi kung hindi ‘yon.

Sinukbit niya ang kanyang baril at kinuha naman ‘yung palakol niya. Sa akin naman, ‘yung paborito kong gamit, ang crowbar.

“’Wag mo masyadong baliin ‘yung katawan, ah,” sabi niya

“Asa ka pa,” sagot ko

Tumakbo na kami ni Mark, sinalubong namin ang limang zombie na pasugod na rin sa amin. Bumuwelo ako, isang hampas ng crowbar na agad bumaon sa ulo ng isang zombie ang ginawa ko. At pagkatapos no’n, sumirit palabas sa ulo niya ang dugo. Si Mark naman, pinalakol niya ‘yung tiyan ng isang zombie, at pina-angat niya ang talim nito hanggang sa baba. Lumabas ang mga laman nito pagkatapos no’n. Agad ko naman sinipa ang isang zombie na pasugod sa akin, sinuntok ko siya at saka sinaksak sa bunganga niya ang crowbar ko. Tagos ‘to sa bungo niya, at saka agad hinila. May ilan-ilang laman ang nakasama dito, pero hindi ko na pinansin ‘yon at saka umatake muli sa isang zombie.

May isa namang sumunggab kay Mark na Zombie, agad ‘tong napa-higa at puma-ibabaw ang halimaw sa kanya. Ang tanging pinang-tutulak lang niya sa ulo ng zombie ay ang dulo ng palakol, ngunit nagulat ako no’ng may isang matulis na talim ang lumabas sa ulo ng zombie. Kasabay nito ang paglabas ng piraso ng kanyang utak at dugo. Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yon, nalaman ko na lang no’ng sinipa ni Mark ang zombie paalis sa kanya. May mahabang talim ang lumabas sa dulo ng palakol, at may kinapa si Mark sa may hawakan, nakita namin na may maliit na buton doon, at dahil do’n ay bumalik ‘to sa loob.

Stay Alive [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon