Caution 40 - The Final Battle

220 7 0
                                    


Copyright © -Redemption, 2017.

All rights reserved.

Kent's POV

Game over na ba?

Pinipilit kong labanan si Mark pero masyado siyang malakas at ngayon ay sinasakal na niya ako. Unti-unti na akong nauubusan ng hininga sa katawan at mas lalong sumisikip ang pagkakasakal niya sa akin.

Pilit kong inaabot ang bulsa ko para makuha ang syringe, pero kapag inaabot ko ito ay mas lalo akong nahihirapang huminga.

Bigla namang nagsalita si Elite sa earpiece ko at may binalita sa akin na nakapagbigay pag-asa para mabuhay ako.

"Kent, kung naririnig mo ako, kailangan mong mabuhay. Nanganganak na ngayon si Angel!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig noong narinig ko ang balitang 'yon. Hindi na ako nakasagot pero pakiramdam ko ay may kakaibang lakas na sumaboy sa akin at buong lakas kong sinuntok si Mark sa mukha at saka niya ako nabitawan.

Maubo-ubo ako napaluhod sa sahig at bumawi ng hininga. Pero bago pa sa akin sumugod ulit si Mark ay kinuha ko na ang syringe at sinaksak ito sa leeg ni Mark.

Habang isinasalin ko ang kulay ubeng likido sa kanya ay nakikita kong umaagos ito sa mga ugat niya. Nawala bigla ang pagkapula ng mga mata nito at napahiga; ngayon ay para siyang bulateng hindi mapakali habang sumisigaw.

"Evan!" sigaw ko habang ginugulpi na siya ni Luke.

Kinuha ko 'yung palakol na gamit ko kanina at hinampas 'yung parte na walang talim sa mukha ni Luke. Agad umatras at napaupo si Luke, dumudugo ngayon ang bibig niya at saka siya dumura sa tabi. Sa akin naman sumama ang tingin niya at saka niya ako sinugod.

Isang malakas na suntok sa mukha ang nakapagpa-talsik at paghampas sa pader ang naging dahilan ng pagkawala ko ng malay.

****

3rd Person's POV

Habang nakikipaglaban sila Jommer, Nicole at Ayumi sa iba pang kalaban ay nakita nila ang dalawang pumatay sa mga naging kasama nila.

"Ayumi, Nicole, sugurin na natin silang dalawa." at saka itinuro ang nakalaban nila dati.

Kitang-kita sa mga mukha nila ang galit sa dalawang may kulay na buhok na pumatay sa mga kasamahan nila dati.

"Ow, ready to die, guys?" tanong ng isang kalaban sa kanilang tatlo.

"Itanong mo yan sa sarili niyo," sagot ni Ayumi.

"Ang dami niyong dada!" at saka sumugod silang dalawa papunta kila Jommer, Nicole at Ayumi.

Walang awang pinagtulungan ng tatlo ang dalawa nilang kalaban, puro hiwa, suntok at tadyak ang inabot nila kila Jommer. Wala na silang nagawa dahil masyadong gigil ang tatlo para patayin silang dalawa.

"Haha," sabay dura ng dugo na lumalabas sa bibig ng isa nilang kalaban sa sapatos ni Jommer. "Gustong-gusto niyo talaga 'to, ah. Pwes, tapusin niyo na kami!"

"As you wish, bitches." at pare-parehas nilang pinagbabaril ang dalawa nilang kalaban sa ulo hanggang sa hindi na ito makilala.

Patuloy na sumugod ang tatlo para kalabanin ang mga militar ng Black Pixma. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nabaril si Ayumi sa dibdib ng isang kalaban na agad nitong ikinabagsak.

"Ayumi!!" sigaw ni Nicole at saka nilapitan niya ito at inangat mula sa pagkakabagsak nito sa sahig.

"Ayumi, gumising ka!" at saka kinapa ni Nicole ang pulso ni Ayumi, pero wala na siyang maramdaman miski isang tibok nito.

Stay Alive [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon