Copyright © matthew_14, 2014.
All rights reserved.
Chapter 1
Evan’s POV
Hindi ko alam kung bakit ganito, hindi ko alam kung bakit pa ako binibigyan ng pagkakataon na mabuhay pa ulit. Kahit na ilang beses na akong muntikan na mamatay, ito parin ako, buhay. Kung iisipin, napakaraming pagkakataon na ang nabigay sa akin, pero anong ginagawa ko? Parang sinasayang ko lang.
Pero sa oras na ‘to, itong pagkakataon na mabuhay ulit ako. Makaligtas sa kamatayan ko, ay hinding-hindi ko na sasayangin pa. Kailangan kong mabuhay, kailangan kong makaligtas, kailangan kong makasama ulit ang mahal ko, si Angel.
Siya na lang ang natitirang pamilya ko, wala na ang kapatid ko, dahil sa pagligtas niya sa akin.
“Kailangan natin pasabugin ‘tong Safe Zone,”
sabi ni Mark habang nandito kami sa loob ng secret room. Tanging kami lang mga officers ang nakakaalam dito. Punong-puno ito ng mga matataas na klase ng baril, Granada, at kung ano-ano pa. Sa loob ‘din nito, may mga T.V na napapanood namin ang labas at loob ng Safe Zone. Napakaraming Zombie sa loob nitong lugar, at imposibleng makalabas kami – maliban na lang sa plano niya.
“Paano naman?” tanong ko
“May nakalagay na mga bomba dito sa Safe Zone, hinanda talaga ‘to sa pagkakataon na dumating ang hindi natin inaasahan, ang mapasok tayo ng mga zombie,”
“Baka naman madamay tayo d’yan, balewala ‘din pala. Mamamatay ‘din tayo,” sabi ko
“Hindi, dahil nandito tayo sa ilalim, napaka-lalim nitong secret room kaya hindi tayo madadamay,” sagot niya
“Eh kung gan’on, paano natin mapapasabog ang Safe Zone?” tanong ko
Naglakad siya palayo sa akin at pumunta sa tapat ng pader. May kinalikot siya doon at binuksan ito, nakita ko na sa loob ng maliit na box ay may buton. Isang kulay pulang buton na parang hirap na hirap siyang pindutin ito.
“Ano na?” tanong ko
“Itong buton na ‘to ang magpapasabog sa Safe Zone, ngayon handa ka na ba?” tanong niya
“Sige,”
Kinakabahan ako, hindi ko alam ang mga posibleng mangyari. Takte, bahala na nga.
“At the count of 3, pipindutin ko na ‘to,”
“1, 2… 3!” sigaw niya
Napa-pikit na lang ako bigla. Hinihintay ko na marinig ang malakas na pag-sabog, pero wala. Bagkus ay nakarinig kami ng alarma na nanggagaling sa Computer. Agad akong napadilat, nakita ko na may nagma- malfunction sa isang wiring dito. Kung hindi namin ‘yon maayos ay hindi namin ‘to mapapasabog.
“Paano na?” tanong ko
“Kailangan natin ayusin ‘yan, kung hindi ay hindi tayo makakaalis dito sa lugar na ‘to,” sagot niya
“Oh sige, tara,” aya ko
Kumuha kami ng mga gagamitin namin dito para maayos ‘yon, at syempre dala ko ang Crowbar ko at kay Mark naman ay isang Palakol. Ngayon ay handa na kaming lumabas sa kwartong ito. Pero pag-pindot ko sa buton ng pintuan, ay hindi man lang ‘to gumagana. Muli ko ‘tong pinindot at ayaw parin. Agad kaming nagtaka dahil hindi kami makaka-alis dito kung hindi ‘to gagana. Isang makapal na bakal ‘tong pintuan, at imposibleng masira namin ‘to.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mystery / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...
![Stay Alive [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/17649642-64-k317822.jpg)