//Please do play the video for background music. It'll help you to feel more the pain. :) Thanks!
Copyright © matthew_14, 2016.
All rights reserved.
Angel's POV
Buntis ako.
Hindi ko lubos akalain na magiging ganito ang sitwasyon. Hindi ko inakala na hahantong sa ganitong pagkakataon. May parte sa pagkatao ko na hindi ko tanggap na nagbunga ang pagmamahalan namin ni Kent, pero mas malaki ang parte na gusto ko ito at tanggap ko na magiging isa rin akong ina balang araw, at ang tatay ng magiging anak ko ay si Kent.
I know it wasn't simple to move on, to accept the fact the Evan was gone. Deep inside of me, it's still hurts every time I remember him. To think all the trials, things that we get through. All the love that we gave to each other. All the broken hearts, permanent scars, everything.
It's still hurts.
But despite of that, I would like to thank him, because he made me feel to be whole again, to be loved again, to be happy again, and to be a normal person again. I love him so much, and my heart will always love him.
I think it's a blessing in disguise all the things that happened. Oo, masakit at mahirap ang mga pinagdaanan ko -- namin. Pero kung hindi dahil doon ay hindi kami aabot sa kung saan kami ngayon. Kami ni Kent, hindi kami aabot sa sitwasyon na ganito. Na tatanggapin ko ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin --- matagal na.
Kung nasaan man si Evan ngayon, marahil ay masaya siya sa aming dalawa ni Kent. Dahil alam niya na may nagmamahal sa akin ngayon, na hindi ako sasaktan at iiwan. Oo, imposibleng hindi ako masaktan sa relasyon namin, pero alam kong hindi niya iyon sasadyain.
Marahil kung kasama ko siya ngayon ay mararamdaman ko ang parehas na saya at pagmamahal na nararamdaman ko ngayon. Pero aminado ako na iba pa rin si Evan, iba 'yung pagmamahal niya sa akin.
Matapos lahat ng pinagdaanan naming dalawa dati ay masasabi ko na wala sa aming dalawa ang sumuko hanggang dulo. Hanggang sa huling hininga niya ay alam kong gusto niya akong makasama habang buhay.
Pero matapos ang pagsabog noon, tila biglang nadurog ang puso ko noong makita ko mismo sa harapan ko kung anong nangyari. Na nasa loob sila Evan sa helicopter na iyon, at kasama rin silang nawala.
Kasamang nawala ang mga ala-ala, pag-asa at buhay ng mahal ko.
Evan, kung nasaan ka man ay sana maintindihan mo kaming dalawa ni Kent. Sana ay maging masaya ka sa aming dalawa, dahil mahal ko siya at mahal niya rin ako. Pero ito ang tatandaan mo, Evan, mananatili ka sa puso't-isipan ko, at hinding-hindi ko makakalimutan na may isang Evan na dumating sa buhay ko para buuin muli ako.
Mahal na mahal kita, Evan.
Pero mahal ko na si Kent.
"Angel, buntis ka." sabi sa akin ni Elite habang nandito pa rin kami sa office niya.
"Siguro," ayon na lang ang nasabi ko dahil wala talaga akong masabi dahil sa halo-halong nararamdaman.
"Anong siguro? Ito na 'yung result, two lines. Buntis ka talaga, pero sino ang ama?" tanong niya sa akin.
Huminga muna ako ng malalim at saka ngumiti, "Si Kent." sambit ko.
May pagkabigla akong nakita sa reaksyon niya, pero alam ko naman na normal lang ito.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mystery / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...
![Stay Alive [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/17649642-64-k317822.jpg)