Copyright © matthew_14, 2016.
All rights reserved.
Jommer's POV
Tulala lang akong pinapanood kung paano bumagsak at unti-unting mawalan ng malay sila Evan at Mark habang nakaupong katabi ang iba pang volunteers. Halos hindi ako makapaniwala na gano'n lang nila napatumba ang tatlong malalakas na taong nakilala ko.
I didn't expect na ganito ang mangyayari. Inaasahan ko na matatalo nila ang mga dumukot sa mga kaibigan ko. Pero hindi dahil sa isang iglap, natalo sila. Nawala ang pag-asa kong matatalo namin sila ngayon. Mas lalo lang nadagdagan ang takot na nadarama ko ngayon dahil sa mga kaya nilang gawin sa amin.
Wala kaming laban.
Alam ko kung ano lang ang kakayahan namin. Pero sila, wala pa akong ideya kung anong kakayahan nilang gawin sa amin. Ngunit base sa naabutan namin dito kanina, mukhang walang patama ang mga kaibigan ko sa kanilang tatlo dahil halos tumba na silang lahat, at 'yung iba ay sugatan na.
"Wala pala 'tong sinabi, eh. Akala ko naman ay malakas 'tong tatlo, hindi naman pala." sabi nung Cedric.
"Isipin mo na lang na nag-gym lang tayo. Kaunting sakit ng katawan, tapos na. Uuwi na tayo," sabi nung Bryan.
"Tara na, bitbitin na natin 'yang tatlo," yaya nung Raymond.
Kukunin na sana nila ang mga katawan nila Evan ngunit napatingin sila sa amin. "Oh, anong gagawin natin sa kanila?" tanong nung Cedric.
"Hayaan. Para maiparating sa bulok nilang lugar na wala silang laban sa ating mga taga-Black Pixma!" sagot si Raymond.
"Sigurado kayo? Ako, Ok pa, puwedeng-puwede ko pa silang gilitan sa leeg isa-isa." sagot ni Cedric.
"Tapos na ang misyon natin, tayo na." Seryosong sagot ni Raymond.
"Tss.." at saka tumalikod ang tatlo.
Nakakapang-gigil ang mga sinabi nila sa amin, pati na rin sa lugar kung saan kami nabuhay. Nakaka-insulto lang dahil sinabihan pa nilang bulok ang Sotiria. Ang tanging lugar kung saan kami nakapamuhay ng para lang normal.
Nakakabwiset na wala man lang akong nagawa para masaktan sila, o kaya mapatay. Maipaghiganti ko man lang ang nangyari sa mga kaibigan ko! Pero wala akong magawa! Dahil inaamin ko sa sarili ko na wala akong panama sa kanilang lahat!
Marahil ay isang balibag lang nila sa akin at siguradong bali na agad ang buto ko dahil sa taglay nitong lakas.
Siguro, sa pagkakataon na 'to ay tatanggapin ko na lang na talo kami. Talo kaming kalabanin ang mga taga-black pixma na kaaway ng sotiria.
Hindi ko na alam ang gagawin kaya napayuko na lang ako at gusto nang maluha dahil sa pagka-disappointed sa sarili ko. Niyakap na lang ako ni Ayumi dahil nakita niya kung paano ako nanlumo.
"W-walang puwedeng mangbastos sa lugar namin!" sigaw ni Charlie at saka ako nakarinig nang isang malakas na ingay.
Hindi ko alam kung anong nangyari, dahil sa nakayuko ako. Ngunit nakarinig na lang ako ng isang tili mula kay Nicole. TInignan ko si Charlie na nakatihaya pa at may hawak ng isang pistol na umuusok pa't nakatutok sa isang kalaban --- kay Cedric.
Tinignan ko naman si Cedric na ngayo'y nakaharap sa amin kahit na malayo ang distansya nila sa amin. May isang butas sa kanyang noo, at siguradong doon nabaril ni Charlie si Cedric. Ngayon ay dahan-dahan itong napaluhod at saka lumagapak sa semento. Dumaloy ang dugo nito palabas at kumalat sa paligid ng ulohan niya.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mystery / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...
![Stay Alive [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/17649642-64-k317822.jpg)