Copyright © matthew_14, 2016.
All rights reserved.
Chapter 24
Kent's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa paligid ko ngayon. Sobrang gulo na nang sitwasyon namin ngayon. Halos mabaliw na ako dahil sa sunod-sunod na problema, ang mga volunteers, sila Evan, at ngayon naman ay si Luke na nakita kong buhay.
Wala akong kaalam-alam na kasama na pala namin siya rito --- matagal na.
"Kent, wala akong alam sa sinasabi mo." sabi ni Elite.
"Hindi ako naniniwala, sabihin mo sa akin kung bakit mayroon ditong pasyente, at kilala ko pa!" sagot ko sa kanya habang hindi ko pa rin binibitawan ang braso nito.
"Ano ba Kent! Nasasaktan na ako!" sigaw niya sa akin at saka ko binitawan ang braso nito.
"Pasensya na, gusto ko lang kasing malaman kung bakit siya nandito. Please naman, sabihin mo sa akin, alam mong mapagkaka-tiwalaan mo ako." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Ilang segundo siyang hindi nagsalita at tinitignan lang ako. Maya-maya ay nagbuntong-hininga na lang ito at saka nagsalita. "Pumunta tayo sa office ko, doon tayo mag-usap. Masyadong confidential ito, Kent. Kaya walang puwedeng makaalam kung hindi kami-kami lang. At dahil alam mo na, hindi nila puwedeng makita o malaman na may ideya ka na rito." at saka siya tumalikod at may kinuha sa isang cabinet na face mask. "Ito, suotin mo para hindi ka nila mapansin."
Sinuot ko ito at saka kami lumabas ng kwarto.
Nakayuko akong lumabas ng kwarto para hindi ako mahalata ng ibang tao na nandito. Hindi pala ako puwede rito dahil isa lang itong sikreto, pero dahil sa kakulitan ko ay nalaman ko kung anong mga nangyayari sa paligid ko.
Mabuti nga't nalaman ko ito dahil kahit paano ay nagkakaroon ako ng pag-asa na manunumbalik ang lakas namin, just like the old times. Alam ko naman na kapag nagsama itong si Evan, at ang kapatid nitong si Luke ay isang malakas na sagupa ang magagawa nila.
Noong nakarating na kami sa office ni Elite ay sinimulan agad namin ang pag-uusap tungkol sa nalaman ko.
"Now, tell me, what's going on here?" Panimula ko.
Huminga muna siya nang malalim saka sumagot, "Honestly, hindi ko alam kung anong totoong pangalan ng pasyente. Hindi nila ito sinabi sa akin, ang tungkulin ko lang dito ay pangalagaan siya habang nasa gano'n siyang kondisyon. May mga impormasyon akong nalaman tungkol sa taong 'yon, pero katulad ng sinabi ko, hindi nila sinabi ang pangalan, kaya mayroon kaming tawag sa kanya rito."
"Ano?"
"Patient X."
"Patient X? Bakit naman?"
"Sa pagkakatanda ko sa impormasyon na ibinigay nila sa akin, noong gabing na-rescue kayo ng mga taga-Safe zone ay wala na itong buhay. Tanging si Angel, ikaw, ang aso niyo, at ang kaibigan niyong si Evan lang ang nakaligtas at buhay pa. Dinala ang mga katawan ng mga namatay sa morgue doon sa Safe Zone, kabilang doon ang kapatid ni Angel, ang pasyente na nakita mo---"
"Luke. Luke ang pangalan niya." Pagputol ko sa kanya.
"Luke, ok. Si Luke, ang halimaw na sa tingin ko ay nakalaban niyo, at mayroon pang isang babae."
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mystery / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...
![Stay Alive [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/17649642-64-k317822.jpg)