Copyright © matthew_14, 2016.
All rights reserved.
Chapter 18
Ayumi's POV
Nanginginig ako sag alit habang nakapikit, pinpakinggan ko lang ang tatlong lalaki habang nag-uusap sila kung paano nila kami papatayin. Ang hindi ko lang matantsa ay iyong gusto pa nila kaming galawing mga babae bago nila kami gilitan sa leeg.
Napaka-baboy at sobrang bastos!
"Alam mo, 'yung isang babaeng naka-pulang damit at nakapantalong itim, trip ko 'yon! Kitang-kita na sobrang sexy! Malusog pa ang dibdib! Akin 'yun, ah!" sabi ng isang lalaki. Sino ba ang tinutukoy niya? E, di ako!
"Sa akin naman iyong kulay violet na buhok, mukhang agresibo, masarap ang mga ganyan." Sabi pa nung isang lalaki -- si violet ang tinutukoy niya!
"At syempre, sa akin iyong isang pa-inosenteng mukha. Hmmm, tignan ko kung hanggang saan ang pagiging inosente niya kapag natikman niya ako. Baka magmaka-awang mabuhay siya at pumangalawang beses pa! Hahaha!" sabi nung pangatlong lalaki.
Hindi ko alam kung sino sa kanila ang mga nagsalita, pero wala akong pakielam! Sapat na ang mga sinabi nila para maging dahilan nang pagkamatay nila!
"Subukan niyo kaming galawin, papatayin ko kayo!" sabi ko sa isip.
Naririnig kong may umaakyat sa may hagdanan, malamang ay isa 'to sa mga lalaki. Nakakabadtrip! Hindi man lang ako nakawala sa pagkakatali ko rito, mababalian ko sana sa leeg kung nagkataon.
"Teka, ano bang silbi ng mga hayop na asong 'yan?" tanong ng isang lalaki.
"Kapag may ginawa silang hindi natin nagustuhan, isang pindot ko lang sa button na 'yon at tiyak bubukas ang kulungan at mahuhulog sila! Hahaha! O, 'di ba? Mas maganda 'yon?" tawa pa ng isang lalaki.
Ayon pala ang silbi ng mga asong ito, tignan natin kung sino ang unang makakagat kapag nakawala ako dito! Mga hayop!!
Naramdaman ko naman na tila may humawak sa bandang binti ko, noong iminulat ko na ang mga mata ko, nakita ko 'yung isang lalaki na kulay itim ang buhok. Kakaiba ang ngiti nito sa akin, tila ba hinuhubaran ako dito sa isip!
"Hoy, sa akin 'yan, doon ka sa mahinhin mong maria, mukhang wala pang karanasan iyong isa, hahaha!" sabi nung isang may kulay pula sa buhok.
"Mga hayop kayo! Pakawalan niyo ako dito!" sigaw ko sa kanila.
"Sorry Baby, gagawin lang namin 'yon kapag pumayag ka na magpa-gang bang! hahaha!" sabi sa akin ng lalaki na itim ang buhok.
"Mga bastos!" iritableng sabi ko sa kanya.
"Hahawakan mo rin ito mamaya at paglalaruan! Hahaha!" sabay hawak niya sa pagkalalaki nito.
Halos naluluha na ako sa sobrang galit at takot, hindi ko alam kung anong puwede nilang gawin sa amin. Halata naman na may kakaiba silang lakas, at alam ko na isa sila sa mga Hybrids galing sa Black Pixma.
Itinuro ito sa amin ni Ms. Recamor noong nasa training pa kami, dahil nga't nanggalingg siya sa black pixma ay may alam din siya sa mga ganitong nilalang.
Hindi na ako nakasagot pa at saka siya umalis sa puwesto nito. Papunta siya ngayon sa puwesto ni Nicole. Pinipilit ko parin na kumawala sa pagkakatali ko, ngunit bigla na lang bumukas ang kulungan ng aso at napakapit ako bigla sa tali para umangat. Galit na galit ang aso at gusto akong sakmalin! Mabilis din naman itong sumara at nakatayo muli ako roon. Narinig kong naman na tumatawa ang lalaking kulay blue ang buhok.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mystery / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...
![Stay Alive [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/17649642-64-k317822.jpg)