Copyright © matthew_14, 2015.
All rights reserved.
Chapter 7
Evan's POV
Gabi na.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sobrang pagod dito sa sofa, maraming nangyari ngayong araw at hindi 'yon maganda para sa akin. Marami kaming napatay kanina ni Mark, may nakilala kaming bata, at ngayon ang kuya naman niya.
Nakakapagtaka lang dahil no'ng nangyari 'yung kanina sa kanya, may naramdaman akong kakaiba. Hindi 'yon normal dahil nararamdaman ko lang 'yon kay Kuya at kay Mark. 'Yung pakiramdam na parang mayroon kaming koneksyon sa isa't-isa.
"Hay buhay, bakit ka ba ganito?" tanong ko sa sarili ko habang nakahiga parin sa sofa. Lumingat-lingat ako sa paligid ko at nakita ko si Mark na nasa kusina't nakaupo. May hawak siyang litrato at parang malungkot siya habang tinitignan 'to.
Tumayo na ako at pumunta sa kusina para kausapin siya.
"Hmmm, sino 'yan? Maganda siya, ah." sabi ko habang nasa likod niya ako at tinitignan din ang litrato.
"Maganda talaga siya, mabait, maalaga, at higit sa lahat, Mahal na mahal ko." solid na sabi ni Mark sa akin.
"Wow, tignan mo nga naman, marunong ka palang mag-mahal? Akala ko hindi, eh."pabirong sabi ko.
"Natural, tao parin ako." Seryosong sabi niya.
"Owkey, so sinabi mo kanina na mahal mo siya—-"
"Mahal na mahal," singit ni Mark.
"Oh, sige na. Mahal na mahal, at sino naman siya?" tanong ko habang tumitingin na ng pagkain dito sa kusina.
"Recamor ang pangalan niya, Fiancé ko," mahinang sabi niya.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya, alam ko at nararamdaman ko na mahal na mahal niya talaga si "Recamor" as he said while ago. Pero ramdam ko na may kirot na kaunti sa bawat salita na sinasabi niya.
"Nasa'n siya?" tanong ko.
"Hindi ko alam, at hindi ko na siya natagpuan. Kaya isa lang ang ipinapanalangin ko, na sana hindi pa siya patay, at hindi siya kabilang sa mga halimaw sa labas. Dahil kung makita ko man siya na isa na sa kanila, hindi ko alam kung paano ang gagawin ko," malungkot na sagot ni Mark sa akin.
Uli, napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Oh, sige na at aakyat muna ako sa taas, titignan ko 'yung kapatid ni Kyle kung ayos lang siya," sabi ko
"Sige,"
****
"Kamusta na ang kuya mo?" tanong ko kay Kyle noong nakapunta na ako sa kwarto niya.
"Ayos lang naman siya, tulog pa rin." sagot ni Kyle sa akin habang nakaupo parin sa tabi ng Kuya niya.
"Good. Teka, may mga damit pa ba ang kuya mo rito?" tanong ko.
"Oo naman, marami at ayos pa ang lahat. Bakit?" tanong niya sa akin.
"Maliligo sana ako, tutal naman eh may tubig pa't hindi pa sira kaya sasamantalahin ko na." sabay ngiti ko sa kanya.
"Doon sa cabinet," sabay turo niya sa akin. "May mga damit siya ro'n, at may mga underwear pang bago, at hindi pa nagagamit. Puwede mong gamitin lahat ng gusto mo," sagot niya sa akin.
"Mabuti naman at may bagong underwear. Sige na, kukuha lang ako ng damit," sabi ko at pumunta na sa cabinet.
Habang namimili ako ng damit, hindi ko sadyang naitulak 'yung loob ng cabinet. Ngunit no'ng nangyari 'yon, nagulat na lang ako dahil umikot 'yung loob ng cabinet at humarap sa akin ang iba't-ibang baril, bomba, bala pati na rin ang mga kutsilyo.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mystery / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...