Copyright © matthew_14, 2016.
All rights reserved.
Chapter 16
Jommer's POV
Biglang bumuhos ang ulan.
Habang hawak-hawak ko ang baril ko ay mag-isa akong naglalakad dito sa kalagitnaan ng Highway, pinapakiramdaman ang paligid. Baka kasi mamaya ay may sumugod sa akin na zombie, mahirap na. Nakagat na ako kanina, baka matuluyan na ako nito kapag may kumagat pa sa akin ulit.
Sandaling nanlabo ang paningin ko, at nakaramdam ako ng hapdi sa kamay ko na may kagat ng zombie. Nabitawan ko ang baril ko at bigla itong pumutok, tinamaan nito ang isang sasakyan na nagbi-blink pa 'yung ilaw sa loob.
"Ahhh!!!"
Napasigaw ako noong parang may umaakyat na kung ano pataas sa braso ko! Ang sakit! Ang hapdi! Napaluhod na lang ako habang hawak ng isa kong kamay ang braso ko. Tila binalian ako bigla! Gano'n siya kasakit!
Bigla naman akong nagulat noong may umalingawngaw na isang malakas na tunog, nag-alarm ang sasakyan na tinamaan ng bala kanina!
"Sheeet!" napasigaw na lang ako dahil sa malas!
Kahit na masakit pa ang braso ko ay kinuha ko parin ang baril ko, dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.
Noong natapos ang pag-alarm ng sasakyan ay natahimik ang lugar. Wala akong naririnig na kahit ano puwera lang sa pag-ulan. Hinihintay ko ang paglabas nila, dahil alam ko na ano mang oras ay susugod sila sa akin.
Damang-dama ko ngayon ang lamig, hampas ng hangin na may kasamang ulan. Nararamdaman ko rin ang pag-agos ng tubig sa buong katawan ko, pero alam ko na mamaya ay mapapalitan 'to ng dugo dahil sa mga papatayin ko.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa baril, naririnig ko na sila, at pakiramdam ko ay mahihirapan ako ngayon, dahil mag-isa lang ako at alam kong marami sila.
Mas lalo na akong kinabahan noong naririnig ko ang mga talsik na tubig dahil sa mga pagtakbo ng mga zombies, at mas lalo akong nagulat noong makita ko kung gaano karami ang mga zombies! Hindi ko 'to inaasahan! Badtrip!
"Badtrip naman, oh! Whaaaaaaaaaaaa!" Saka ko pinaputok ang machine gun rifle ko.
Tumakbo na ako palayo sa kanila habang patuloy lang ako sa pagpapaputok ng baril noong bigla na namang sumakit ang braso ko! Sobrang sakit! Halos muntikan ko nang mabitawan ang baril ko, mabuti na lang at naalalayan ko pa ito. Tinignan ko saglit ang braso ko dahil nasa zombies parin ang atensyon ko, pagkatingin ko rito ay napansin ko na may itim na kumakalat sa mga ugat ko, palala ito ng palala.
Alam kong ito na ang virus, halos isang oras na pala noong nakalipas simula noong nakagat ako. Mayroon na lang akong isa pang oras para makahanap ng antivirus bago ako tuluyang maging zombie, at isa pa pala, mahanap ko rin ang mga kasama ko,kung hindi ay pare-parehas kaming mamamatay.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lang dumami ang mga zombies, ngayon ay alam kong hindi ko na kakayanin pa ito. Masyado silang marami at nanghihina na rin ako.
Bugbog ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, nakagat ako ng zombie at kumakalat ang virus sa katawan ko at ngayon naman ay sandamukal na zombies ang gusto akong kainin.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Misterio / Suspenso*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...