Caution 32 - Reunited (Part II)

230 9 7
                                    

Copyright © -Redemption, 2016.

All rights reserved.

Kyle's POV

Tinitignan ko lang ang pagtulo ng pawis ko sa sahig habang sinasabayan ko ito ng sunod-sunod na paghinga. Hindi ako tumitigil mag-ensayo simula no'ng napunta ako rito sa Sotiria. Dito ako sa Gym ng Sotiria na nakalagay rin sa building namin.

Nag-aral ako mag martial arts at nag-work-out, pinalakas at pinatibay ko ang katawan ko. Alam ko sa tamang panahon ay magagamit ko rin ito. Natuto rin ako kung paano gumamit ng iba't-ibang baril at saka arnis.

Sa tulong ng mga trainers namin ay natuto ako ng mga bagay na 'yon, at isa pa ay lumaki rin ang katawan ko. Araw-araw, palagi ko itong ginagawa, minsan pa nga ay nabubugbog ako kapag may laban ako para sa ensayo.

Pero dahil do'n ay lalo akong nagpursigi at isa ako sa mga masasabi kong natuto talaga. Worth it ang mga pagod, sakit, bugbog at kung ano-ano pa.

Hindi na ako ang Kyle na nakilala nila noon.

Iba nang Kyle ang makikita nila kapag nagsimula na kaming magpatayan.

"Kyle, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ng isa kong trainer sa pag-wo-work out.

"Ayos lang po." sagot ko.

"Oh, sige. Isang set tayo ng Inclined Bench Press, 50 reps." sabi niya at saka niya nilagay ang tag-30lbs na weight.

"Ayos," sabi ko.

Humiga na ako at bago pa man ako magsimulang magbuhat ay may narinig kaming isang malakas na pagsabog, at saka tumunog ang emergency alarm.

"This is a code red alert. Please remain calm and begin evacuation protocol. Proceed to Evacuation center now."

"Anong meron?" kunot-noo kong tanong.

"May problema, tara!" sabi sa akin ng trainer ko.

Nag-iba naman bigla ang visual ng LED TV namin dito at lumabas si Ms. Recamor. Tila hindi ko mawari kung anong reaksyon ng mukha niya.

"Calling all Soldiers, it's time. May nakapasok na kalaban galing sa Black Pixma at kailangan natin silang pigilan. If killing is necessary, do it. Humanda na kayo sa pagsugod." sabi ni Ms. Recamor at saka ito napalitan ng Logo ng Sotiria.

Napatingin ako sa Trainer ko at saka tumango. Ibig-sabihin ay ito na ang tamang panahon, makakapag-higanti na rin ako sa ginawa nila sa pamilya ko, at kay Kuya Leigh.

"Humanda ka na, kunin mo na ang armas mo pati na rin ang paborito mong arnis." sabi niya sa akin.

"Sige po. Mag-iingat po kayo," sabi ko sa kanya.

"Ikaw rin," at saka niya ako tinapik at tumakbo na ito.

Siya si Kuya Andy, isa siya sa mga pinaka-close ko rito sa Sotiria, at tinuturing ko na rin siyang Kuya dahil nawalan rin siya ng bunsong kapatid at mag-isa na lang siya sa buhay. Parehas kaming nawalan ng pamilya dahil sa kalaban namin.

Agad naman akong tumakbo papunta sa locker room namin at kinuha lahat ng mga gamit. Nag-suot ng bullet proof at kinabit ko na sa katawan ko ang mga gagamitin kong lagayan ng baril. Dalawang pistol, isang Crossbow at magkapares na arnis na bakal.

Stay Alive [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon