Caution 26 - Brainwashed

256 10 3
                                        

Copyright © matthew_14, 2016.

All rights reserved.

Chapter 26

Evan's POV

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nakita ko ang mga taong nasa paligid ko na naka-puti. Nakahiga ako sa isang stretcher at tinatakbo nila ako sa isang lugar. Naramdaman ko naman na nakatali ang dalawa kong braso at ang mga binti ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari, kung nasaan ba ako ngayon at sino ang mga 'to.

Nararamdaman ko pa rin na nanghihina ako at wala akong kalakas-lakas para makawala sa pagkakatali ko.

"S-sino kayo?" mahinang tanong ko sa tatlong tao na nakaputi.

Hindi sila sumagot bagkus ay tinignan lang nila ako. Wala akong alam kung anong nangyayari sa akin. Bakit ako ganito? Bakit ako sobrang nanghihina at parang ang bigat ng katawan ko.

TIla kahit paghinga ko ay nahihirapan din ako. Kaya minabuti ko na lang na tumahimik at hayaan sila kung saan nila ako dadalhin.

Dinala nila ako sa isang kwarto, at laking gulat ko na puno ito ng malalaking tube at mayroong tao na nakatayo sa loob nito. May malaking bakal na nakakapit sa dalawang braso nila na nakataas pati na rin sa mga binti nito, at mayroon ding nakapalibot na mahabang bakal sa ulo nila.

Nakasuot lang ang mga lalaki ng cycling shorts na itim at sa babae naman ay gano'n din, ngunit may takip sa itaas na bahaging katawan nito.

Mas lalo akong nagulat noong may narinig akong sumisigaw sa loob ng isang tube, para siyang kinukuryente na kung ano. Hindi ko maintindihan, nasaan na ba ako?

"Nasaan ako?" tanong ko sa tatlong kasama ko.

Hindi na naman nila ako pinansin, pero may nakita akong logo sa damit nila. Isang bungo na parang pamilyar. Inisip ko mabuti kung saan ko ito nakita, ipinikit ko ang mga mata ko at inalala 'yon. Napadilat na lang ako ng mata noong naalala ko na ang logo na 'yon ay sa Black Pixma.

"Black Pixma!" gigil na sambit ko.

Nakita ko naman na napangiti na lang ang tatlong lalaking nagtutulak sa stretcher ko. Kailangan kong makawala rito, pero paano? Wala akong lakas, nanghihina pa rin ako, miski siguro pagtayo ay hindi ko kaya.

Naramdaman ko na tumigil na kami sa isa pang kwarto. Doon ay tinanggal nila ang mga tali ko sa katawan. Papalag pa sana ako ngunit agad nila akong napigilan, tinurukan pa nila ako ng hindi ko alam kung ano, pero dahil doon ay mas lalo akong nanghina.

Tinanggal nila isa-isa ang damit ko, una sa ibabaw na bahagi hanggang sa ibabang bahagi ng katawan ko. Wala silang itinira na saplot ko sa katawan, kaya wala akong magawa kung hindi hintayin ang susunod nilang gagawin sa akin.

Kahit nanlalabo na ang mga mata ko ay nakita kong may kinuha silang mga aparato. Akala ko kung anong gagawin nila sa akin, 'yon pala ay papaliguan nila ako.

Ilang na ilang ako sa ginagawa nila, lalo na noong humahawak sila sa pribadong bahagi ngg katawan ko. Pero sa tingin ko ay wala itong malisya sa kanila. Pagkatapos nila akong paliguan ay pinunasan nila ako at isinuot ang isang cycling shorts.

Pagkatapos no'n ay inilabas na ako sa kwartong iyon at bumalik kami sa kwartong punong-puno nang tube.

Pumunta kami sa isang puwesto bandang dulong bahagi ng kwartong iyon at naghanap ng bakanteng human size tube.

Stay Alive [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon