Copyright © matthew_14, 2015.
All rights reserved.
Chapter 6
Nicole's POV
No'ng nakita ko si Jommer na sinunggab ng isang lalaking nakahubad, at mataas tumalon ay sinangga ko ito agad palayo kay Jommer. Kasunod noon ay ang pagkuha ko ng dalawang pistol at saka ko ito pinag-babaril sa katawan at ang huli sa ulo.
Sumaktong tumumba ito sa may isang sasakyan, at ang malas lang dahil bigla itong nag-alarm. Nakarinig kami bigla ng mga lagabag, sunod-sunod ito at napakarami nila! Nakita namin sa mga anino nila dahil sa mga ilaw na nakabukas at pa-sugod sila sa amin!
"Takbo!" sigaw ni Jommer noong nakatayo na siya.
Ngunit noong tatakbo na kami sa dadaan namin ay mayroon din mga zombie pasugod sa amin. Wala kaming nagawa kung hindi ihanda ang mga gamit namin para kalabanin sila. Marami man sila, pero kailangan naming mabuhay at makaligtas dito. Hindi puwedeng dito lang kami matatapos, lalaban kami! Lalaban!
Hinanda ko na ang Auto-shotgun ko, si Jommer naman ay ang Rifle niya, at ang huli si Ayumi na may malaking espada. Biglang nag-iba ang mga ekspresyon ng mga mukha namin, mga seryoso at handang pumatay ng mga papatay sa amin ngayon.
Inaamin ko, may kaba ako na baka hindi namin 'to malampasan, pero may tiwala ako sa sarili ko pati na rin sa mga kasama ko ngayon. Kami ang pinili, kami ang pinadala ng Sotiria para mag-hanap ng mga Survivors na nangangailangan ng lugar na ligtas, kaya hindi kami puwedeng mamatay!
Pasugod kaming bumaril sa mga zombie, dala-dala ang takot at kaba na hindi namin 'to malampasan, pero walang puwedeng pumigil sa akin, sa amin. Patay kung patay!
Noong bumabaril kami, bigla kaming nagulat lahat dahil may tumalsik na isang kotse na Malaki at maraming timaan na zombie kaya marami ang nabawas sa kanila. Pero ang mas nakakagulat ay may isang higanteng halimaw ang lumabas sa pa-kanan na daan. Napaka-laki nito, ang katawan niya ay halimaw! Sa lahat ng parte ng katawan niya ay may mga Spikes, na tila isang tusok mo lang doon ay mamamatay ka na dahil sa sobrang tulis at haba nito.
"Ang Spiker!" sigaw ni Ayumi.
Spiker?
Ito na siguro ang sinasabi ni Captain Kent na isang halimaw na napaka-hirap patayin. Ang tanging nakapatay lang daw no'n sa kanila ay si "Evan" at "Luke". Base sa kuwento ni Capt. sa amin, magkapatid daw sila na may kakaibang kakayahan dahil sa may nangyari sa kanilang dalawa.
Lumakas, lumaki ang katawan, at gumagaling ng mag-isa ang mga sugat nito. Ngunit kapag nagalit ay mamumula ang mga mata nito at magwawala na tila walang makakapigil pa. Pero patay na raw silang dalawa, at nakakalungkot 'yon.
"Ang sabi ni Capt. ang halimaw na ito ay hindi tinatablan ng bala ng baril sa katawan! Sa bibig at sa mga mata lang raw ito dapat patamaan kaya doon lang natin siya barilin!" sigaw ni Jommer.
Paatras kaming bumabaril, pero masyadong maraming zombie sa paligid namin kaya kinuha ko ang party bomb sa bulsa ko at inihagis sa kanila. Halos lahat ng mga zombie ay nagsi-puntahan doon at kami naman ay tumakbo palayo.
Sumabog ng napaka-lakas ang bomba na naging dahilan ng pagka-pira-piraso ng mga zombie. Ngunit kahit na gumamit kami noon, hindi pa rin tumitigil ang pagsugod nang mga zombie sa amin! At ang mas nakakabahala pa roon, hinahabol kami ng spiker!
"Atras! Tumakbo na tayo palayo rito! Doon tayo sa may iskinita!" sabay turo ni Jommer sa iskinitang sinasabi niya.
Napatingin naman ako sa spiker habang tumatakbo kami papunta sa iskinita, may kinuha siyang isang sasakyan at ibabato niya ito sa amin! Sumakto naman na nakapasok na kami sa dinaanan namin noong na-ibato na niya ito.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mistero / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...
![Stay Alive [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/17649642-64-k317822.jpg)