Caution 10 - Struggle

313 17 1
                                    

********

Hello Readers ng C:ZA! Pasensya na po kung inabot ng halos dalawang buwan ang pag-a-update ko nito. Sorry po kasi may trabaho na ako medyo nahihirapan akong mag-update nitong book 2. So, ito na, sana po mag enjoy kayo!

- M

********

Copyright © matthew_14, 2015.

All rights reserved.

Chapter 10

Jommer's POV

Ngayon na ang oras para umalis kami rito sa Sotiria. Inaamin ko, kinakabahan ako sa ginagawa ko ngayon. Alam ko na kapag oras na lumabas na kami rito, ibang lugar na ang haharapin namin. Katulad na lang ng sinabi sa amin ni Captain Kent, ikinuwento niya sa amin dati kung paano sila namuhay bago pa sila makatuntong ng Safe Zone.

The way na sinabi niya sa amin 'yon, nakaramdam ako ng takot. Sino ba naman ang hindi matatakot sa mga gano'n? Ilang beses na silang nakaharap ng mga halimaw, zombies, tapos samahan pa ng isang traydor na kapatid pala niya?

Kung iisipin, parang nasa libro lang 'yung storya nila, eh, o kaya sa mga movies. Pero at least nagawa nilang makaligtas at ngayon may mas malaki silang responsibilidad.

Oo nga pala, naglalakad kami ritosa hallway, papunta sa exit ng Sotiria para simulan na ang project na 'to.

"Okay Guys, malapit na tayo." sabi sa amin ni Zion.

"Excited ba kayo?" out of the blue na tinanong ni Nicole.

"Oo, bakit ikaw?" tanong naman ni Ayumi.

"Hmmm, medyo. Pero kinakabahan kasi ako, eh." kabadong sabi ni Nicole.

"Ano ba kayo, normal lang sa atin na kabahan kasi lalabas na tayo dito sa safe ground natin, 'no. But if we work as a team, walang mangyayaring masama sa atin, 'di ba?" sabi ni Charlie.

"Tama ka pare," sagot ko.

"Nicole, kaya natin 'to, Ok?" sabi ni Violet.

Huminga muna ng malalim si Nicole bago siya sumagot, "Oo! Kaya natin 'to!" masayang sabi niya.

Noong nakalabas na kami sa building, nakita agad namin ang mga Military trucks na palibot-libot sa sotiria, pati mga helicopters sa himpapawid. Kung idi-describe ko 'tong lugar, parang may pinanghahandaang bakbakan 'tong sotiria. Well, mas maganda nga naman 'to at least lagi kaming handa.

Habang naglalakad kami, may sumalubong sa amin na isang military member, sinamahan niya kami papunta sa puwesto namin.

"Ok, listen up please. Guys, alam niyo kung bakit kayo nandito at kung anong purpose ng mga gamit niyo.Ihahatid lang namin kayo papunta sa Open City at doon kayo magsisimula ng mission niyo. Doon, sa Heavy Duty truck na 'yon tayo sasakay," sabay turo niya sa amin kung nasaan 'yon. And I was like, "Woah, maangas!" masayang sabi ko. Takte, sino ba naman hindi mapapahanga sa itsura no'n.Sa gilid ng truck ay may mga machine guns na naka-ready just-in-case na magka-problema. Tapos malaki talaga 'to! 'Yung design niya pag military talaga!

"I know guys, maangas. Kaya tara na at simulan na natin ang mission niyo. Ready?" Tanong niya sa amin.

"READY!" sigaw namin lahat at saka sumakay na sa truck.

Wooh! Ito na 'yon!

****

Kent's POV

Nakaalis na sila.

Stay Alive [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon