Copyright © -Redemption, 2016.
All rights reserved.
Evan's POV
Liwanag.
Ayon lang ang bumungad sa akin pagkamulat ng mga mata ko. Hindi ko matandaan kung bakit ako naroon at kung anong nangyayari sa akin.
Inilibot ko ang paningin ko kahit medyo malabo pa, nakita kong nakaputi ang mga taong nakapaligid sa akin at hindi ko sila kilala, pero may isang babae ang kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan.
"Angel..." bigkas ko.
Nagulat ang lahat noong nagsalita ako, pati na rin si Angel. Agad siyang napatakip ng bibig dahil sa umiiyak na ito. Nakita ko rin si Kent na nakatingin sa akin at nasa likuran siya ni Angel.
"E-evan?" umiiyak na tawag sa akin ni Angel.
Agad akong napa-upo para yakapin si Angel. Nararamdaman ko ang bawat patak ng luha niya sa likuran ko. Patuloy lang ang agos, na parang wala ng katapusan.
"Buhay ka," umiiyak na bigkas niya sa akin habang mahigpit niya pa rin akong hawak.
"Oo, at hindi na ako mawawala." Sagot ko sa kanya.
Pagkatapos niya akong yakapin ay tinignan niya ako sa aking mukha at hinawakan sa pisngi.
"Ikaw na ba 'to? Ikaw na ba ang Evan na kilala ko?" tanong nito sa akin.
Agad naman akong napakunot sa tanong nito sa akin. Ako naman ang Evan na kilala nila, ako pa rin naman 'to. Unless...
"O-oo, ako 'to. Bakit? May naging problema ba?" tanong ko sa kanya.
Agad nagkatinginan sila Angel at Kent, at tila may sasabihin sana si Kent pero agad siyang pinigilan ni Angel.
"Angel?" tawag ko sa kanya.
"W-wala, walang naging problema." at saka siya ngumiti sa akin.
Tinignan ko maiigi si Angel, ang ganda niya pa rin. Mas lalo siyang gumanda noong huling pagkikita namin sa Sotiria.
Pero may isa akong napansin sa katawan niya. Bakit Malaki ang tiyan nito?
Napalunok ako bigla, hindi ko alam kung bakit malaki ang tiyan nito, o posibleng...
...hindi.
Hindi puwede.
Agad akong napatingiin kay Kent. Tila nag-iba ang expression ng mukha nito noong tinitigan ko siya.
"Buntis ka?" bigla kong tanong kay Angel.
Hindi agad nakapagsalita si Angel. Napayuko na lang ito at saka napahawak sa tiyan niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.
Unang-una, masaya ako dahil nakita ko si Angel, ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagpabago sa buhay ko.
Ang babaeng gusto kong makasama panghabang-buhay.
"Sige na, lumabas muna kayo." Sabi ni Kent sa mga Nurse staff na kasama namin dito sa kwarto.
Noong lumabas na sila lahat, tahimik lang kaming tatlo. Nagpapakiramdaman at hindi pa rin sumasagot si Angel sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Misterio / Suspenso*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...
![Stay Alive [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/17649642-64-k317822.jpg)