Caution 13 - The Battle of Two Monsters

305 16 4
                                        

Copyright © matthew_14, 2015.

All rights reserved.

Chapter 13

Mark's POV

Bigla na lang akong natulala sa nakita ko, si Evan, hindi na siya mukhang tao!

"Evan..." napabulong na lang ako noong nakita ko siyang gano'n.

"Ano na!? Bilisan na natin!" sigaw ni Leigh.

"Ah! Oo! Kayo na mauna! Kyle, sumakay ka muna sa likod ng kuya mo, mauna na kayong umakyat, ako na ang mahuhuli! 'Wag niyo na lang tignan si Evan, bilisan niyo!" utos ko sa kanilang dalawa.

"Bakit? May problema ba kay Evan?" tanong ni Leigh sa akin.

"Basta! Bilisan niyo na!" sabi ko sa kanila.

Agad na silang umakyat sa tali ng elevator na hawak-hawak ni Evan ngayon. Nagpahuli na ako dahil tatanggalin ko pa sa pagkaka-kabit ang elevator sa tali para hindi na rin masyadong mabigat.

Kumapit muna ako at saka sinipa ng malakas ang elevator, ilang beses ko itong sinipa at saka na ito natanggal. Si Evan, kahit malayo siya ay naririnig ko ang pag-ungol niya dahil sa hirap. Parang isang aso na galit na galit, gano'n ang naririnig ko sa kanya.

Mabilis na naka-akyat sila Leigh at nakabalik sa 8th floor, nakita ko na kinuha na ni Leigh ang tali at siya na ang humawak, at si Evan, bigla na lang umalis sa puwesto niya kanina.

Mas binilisan ko pa ang pag-akyat ko para makita ko kung anong nangyari kay Evan kanina. Noong malapit na ako, inabot na ni Leigh ang kamay niya sa akin at doon na 'ko nakabalik sa 8th floor. Nakita ako ang mga zombies, pinipilit nilang makalabas, nakita ko na rin na nagkakaroon na ng crack ang salamin at kung magtatagal pa kami dito ay siguradong makakalabas na silang lahat.

Naalala ko naman si Evan, nakita ko siya sa gilid, nakatalikod sa aming tatlo. Tila hindi sila mapakali at parang may tinatanggal siya sa mukha niya.

"Evan! Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya at hahawakan ko sana siya sa balikat.

"Ayos lang ako, 'wag mo akong hawakan," sabi niya sa akin.

Agad akong nagulat sa sinabi niya, nakakatakot ang aura niya ngayon. Hindi maganda 'to, alam kong may makikita na naman akong bago sa kanya.

"Guys! Malapit na mabasag ang salamin!Kailangan na nating umalis dito!" Sigaw ni Leigh sa aming lahat.

"Saan tayo dadaan?" tanong ni Kyle.

"Dito," sabi ni Evan at saka siya tumalon sa babasagin na salamin palabas ng building. mabilis kong tinignan kung saan siya lumapag, hindi siya sa semento bumagsak kung hindi sa bubong din ng Mall.

"Tara na! Tumalon na tayo!" sabi ko kay Leigh.

"Hindi pa ako magpapakamatay!" sagot niya sa akin.

"Sira-ulo! Hindi tayo magpapakamatay! Sa bubong tayo ng Mall babagsak! Hindi masyadong mataas ang babagsakan natin! Kaya natin 'yon, Leigh. Buhatin mo na lang si Kyle! Tara na!"

"Pero baka sumunod ang mga zombies!" sabi ni Kyle.

"Ako na ang bahala," saka ko inilabas ang Party Bomb ko.

Stay Alive [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon