Caution 20 - Last Hope

295 13 3
                                    


Copyright © matthew_14, 2016.

All rights reserved.

Chapter 20

Nicole's POV

Nakakatakot ang mga itsura nila, hindi ko aakalain na magiging ganoon sila! Ano ba sila!?

"Nagtataka kayo kung ano kami? Hmm, hybrids ang tawag sa amin sa Black Pixma. Nag-iiba ang itsura namin kapag nagagalit kami ng sobra at nasasaktan ng sobra. Bumabalik naman ang mga itsura namin kapag humuhupa ang emosyon namin. E, kayo! Ginalit niyo kami! Ngayon, makikita niyo kung papaano namin kayo papahirapan bago patayin!" sigaw sa amin nung lalaking itim ang buhok.

"Talaga? Hybrids? Hahahaha! Eh, para pala kayong mga aso, e." sabi ni Violet.

"Tumahimik ka! Kapag ikaw nahuli ko, ipapasubo ko sa'yo 'to!" sabi nung lalaking kulay blue ang buhok sabay turo niya sa pagitan ng dalawa niyang binti.

"Baka nga hindi pa umabot sa lalamunan ko iyan, eh. Masyado atang maliit si Junjun, tsss." sagot ni Violet.

"Tignan na lang natin," sagot ng lalaki sa kanya.

"Tama na nga 'yan! Puro kayo dada! Patayan na kung patayan!" sigaw ng lalaking itim ang buhok.

"Kung ayan ang hinahanap niyo," saka nagpatunog ng leeg si Zion, "Pagbibigyan namin kayo," tuloy niya.

Saka tumalon ang tatlong lalaki mula sa second floor. Napaatras naman kami dahil sa ginawa nila. Aminadong natatakot ako ngayon, pero wala akong choice. Do or die na lang.

"Waaahhh!" sigaw naming lahat pasugod sa tatlong halimaw.

Kahit na nakakatakot ang mga itsura nito ay hindi na kami nagpatinag pa. Sabay-sabay kaming umatake sa mga ito at nakita kong sinuntok ni Zion ang lalaking kulay pula ang buhok, ngunit parang walang epekto ito sa lalaki. Nagulat na lang ako noong sinuntok si Zion ng lalaking iyon. Tumalsik ito kasama ang baril saka humampas sa pader.

Sumunod naman sumuntok si Charlie ngunit parang lang itong laruan na pinatalsik at humampas din sa pader.

Agad namin silang tinulungan para tumayo at para sumugod ulit.

"Ganyan ba talaga kayong taga Sotiria? Napakahina niyo pala! Hahaha! Ang balita namin ay kayo ang mga volunteers na na-trained doon ng matagal na panahon. Tapos papatalsikin lang pala namin kayo sa pader? Tss, Weak!" sigaw sa amin ng lalaking itim ang buhok.

"P-paano niyo nalaman?" tanong ko.

"Tsss, mga tanga! Matagal na namin kayong minamanmanan. Bawat kilos niyo, bawat plano niyo ay nalalaman namin!" sagot niya sa amin.

"Kung ganoon, kayo ang pumatay kay Sir Muller?!" galit na tanong ni Charlie.

"Hindi, kung hindi ang tao namin sa Sotiria, hmm. Baka nga ngayon ay inuunti-unti na niyang patayin ang mga mahahalagang tao roon, sayang nga lang ay hindi pa kayo ang inuna. Ayan tuloy, kami pa ang inutusan, nakakatamad lang. Mga wala naman kayong kwenta kalaro!" sabi niya sa amin.

"Wala pa lang kwenta, huh!" sabay sugod namin sa kanila.

Pinagbabaril namin ang tatlong lalaki, ngunit mabilis silang nakakailag sa mga bala nito. Mabilis silang tumakbo at tumalon sa kung saan-saan. Nakakabigla ang mga pinapakita nila sa aming kakayahan. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng isang Hybrid at nakakasagupa pa namin ito.

Stay Alive [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon