Copyright © -Redemption, 2016.
All rights reserved.
Kent's POV
Kinakabahan ako.
Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko ngayon. Alam kong magta-tatlong buwan na ang nakalipas simula noong sinugod kami ng black pixma dito. Pero may bigat pa rin sa pakiramdam ko, na parang nagsisisi ako dahil umalis ako noong mga panahon na 'yon.
Kung hindi sana ako umalis, malamang ay hindi namatay ang mga kasama ko rito. Malamang ay marami rin akong nailigtas, o baka ako ang nawala.
Kapag nakikita ko naman sila Mark at Recamor na magkasama, masaya na rin ako dahil nagkita muli silang dalawa matapos ang mahabang panahon na pag-aakalang patay na ang bawat isa.
Si Julie naman, 'yung kaibigan ni Recamor ay pinatira sa isang bahay dito sa loob ng Sotiria, kasama ang iba pang pamilya. Ayaw man sabihin ay alam kong wala silang tiwala kay Julie, kaya hindi siya binigyan ng position sa Sotiria. Wala naman naging problema sa kanya noong nalaman niya 'yon.
Maraming nagluksa noong marami kaming kasama dito na namatay. Pati si Violet at Zion, lumaban sila hanggang sa huling hininga. Masakit sa aming lahat na nangyari 'yon, pero wala kaming magagawa kung hindi tanggapin na lang 'yon.
Naging malaki naman ang galit nila Jommer sa pumatay kina Violet, dahil sila rin ang naging dahilan ng pagkamatay ni Charlie na dati nilang kasama.
Hanggang ngayon, aminado akong hindi pa rin kami nakakawala sa isang pangyayari na mas lalong nagpabukas sa mga isip namin na hindi dapat kami magsa-walang-bahala, kung hindi ay sigurado akong mauulit na naman ang dating nangyari.
Si Angel, alam kong hindi pa rin kami masyadong ayos, lalo na noong dumating si Evan dito sa Sotiria. Araw-araw niyang dinadalaw si Evan kung saan siya nakakulong ngayon at kasalukuyang nag-a-undergo ng procedure para mawala ang ginawa sa kanya ng Black Pixma.
Nasa isang puting kwarto lang si Evan na may nakakabit na makakapal na bakal sa magkabilang braso nito dahil ayaw nilang makatakas ito. Pinapanood lang ni Angel si Evan sa labas ng kwarto nito, pinapakinggan ang bawat salitang mas lalong nagpapadurog sa puso nito. Oo, ibang-ibang Evan ang kasama namin dito.
Galit na galit siya sa amin, lalo na kay Angel. Sinisisi niya si Angel dahil siya raw ang may kagagawan ng lahat ng ito, na siya raw ang may dahilan kung bakit namatay ang Kuya niya. Pinaalala ni Elite kay Evan noon na mahal na mahal niya si Angel, pero puro mura lang at masasakit na salita ang narinig namin galling sa kanya.
Ilang buwan nang buntis si Angel, kaya pinipigilan ko siyang pumunta kung nasaan si Evan lalo nang manood siya habang nagte-therapy si Evan dahil alam kong makakasama sa kanya 'yon. Pero hindi siya nakikinig sa akin.
Ang sabi niya sa akin dati, pinatawad na niya ako, pero hindi naman ako tanga para hindi maramdaman na may gap sa aming dalawa. Alam ko naman na ako ang may mali, kaya ako na lang ang mag-a-adjust para sa kanya.
Ngayon, pupuntahan ko siya sa kwarto dahil ngayon ang araw ng check-up niya kay Elite para masamahan ko man lang.
Kakatok na sana ako pero bigla niyang binuksan ang pinto nito. Ilang segundo rin akong hindi nakapagsalita dahil nagulat ako, samantalang siya ay tinitignan lang ako.
"May kailangan ka ba?" tanong nito sa akin.
"Ah-eh... sasamahan lang sana kita magpunta kay Elite ngayong araw, hindi ba ngayon ang araw ng check-up mo sa kanya?" tanong ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/17649642-288-k317822.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Misteri / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...