Caution 14 - I AM LOST

340 18 7
                                        

Copyright © matthew_14, 2015.

All rights reserved.

Chapter 14

Evan's POV

Hindi na ako ang Evan na nakilala ng mga tao.

Pakiramdam ko, nilalamon ako ng halimaw na nasa loob ko na gustong kumawala at maging ako. Hindi naman dapat ako nagkakaganito, eh. Pero may parte nang buhay ko na nagiging masaya kapag nagiging halimaw ako.

Tila may dalawa na akong katauhan na parehas hindi sang-ayon sa isa't-isa. Ngunit hangga't maari ay kailangan ko itong malabanan, bago pa mahuli ang lahat.

Para akong wala sa sarili na tumalon na lang palabas nitong building at iniwan ang mga kasama ko. Tumakbo ako palayo, hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Narinig ko na lang na may isang sumabog na napakalakas doon sa building kung saan ako galing, ngunit wala akong pakielam.

Ngayon, hindi parin bumabalik sa dati ang itsura ko. Iba 'tong nararamdaman ko, pakiramdam ko ay gutom na gutom ako, hindi ko maintindihan.

Takbo lang ako ng takbo, hanggang sa hindi ko inaasahan na may nabangga akong isang bagay.Napaupo ako bigla, at tinignan kung ano ba ang bumangga sa akin.

Isang Taong lalaki.

Noong nakita ko na tao itong nakaupo rin, bigla akong natakam. Hindi ko maintindihan, pero ang gusto ko lang gawin ay kainin siya.

Mas lalo akong nanggigil, noong nakita niya akong patayo na ay abot-abot ang takot na nararamdaman niya, halata sa mga mata niya. Kinuha niya ang pistol niya at pinaputok ito sa binti ko. Natamaan ako, pero wala akong naramdaman.Papalapit lang ako ng papalapit sa kanya. Sumisigaw na ito, ngunit tila nabingi ata ako, wala akong naririnig.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, sinugod ko na siya at kinagat agad sa leeg, hanggang sa mawalan na ito ng buhay.

Kinakain ko siya, at sarap na sarap ako sa ginagawa ko.

Habang kinakain ko siya, hindi man lang sumagi sa isip ko na isa itong tao na dapat kong tulungan at samahan para maligtas. Ngunit ngayon, halos hindi na ito mukhang tao pang muli, dahil sa ginagawa ko sa kanya.

Sarap na sarap ako at hindi ko maintindihan kung bakit. Hanggang sa napatingin na lang ako sa salamin ng isang bar na halos kaharap lang namin. Nakita ko ang sarili ko na nakaluhod at may hawak na laman ng taong ito. Kulay Pula ang mga mata ko, may mga pangil ako, puro dugo ang mga kamay ko pati na rin ang paligid ng bibig ko, natalsikan na rin ang damit ko ng pulang likido. Sa madaling salita, HALIMAW NA AKO.

Tila ba may mga bagay na bumalik ulit sa isip ko.

Ang pamilya ko, si Kuya, ang aso ko, ang mga taong nakasama ko noon, at si Angel.

Doon, naisip ko na hindi ako ito. Hindi ko dapat ginagawa ang mga bagay na 'to, hindi ako halimaw! Hindi ako dapat maging halimaw! Ayoko! Ayoko!

Napatingin ako sa hawak kong laman ng taong ito, punong-puno ng dugo ang buong kamay ko. Madali ko itong binitawan at halos isuka lahat ng kinain ko ngayon. Tinignan ko rin ang taong pinatay ko, naisip ko na mayroon siyang pag-asa na mabuhay pa at makaligtas sa delubyong ito. Pero anong ginawa ko? Pinatay ko siya, kinain ko siya!

Tumayo ako at mabilis na tumakbo palayo sa puwesto ng lalaking pinatay ko. Naghanap ako ng tubig na puwede kong gamitin para panghugas sa mukha ko pati na rin sa mga kamay ko. Nakita ako ang isang fountain na medyo madumi na dahil sa mga dugong napunta doon.Agad akong pumunta doon at hinugasan ang mga kamay ko. Hinilamos ang tubig sa mukha ko, tila ba diring-diri sa dugong nasa katawan ko.

Stay Alive [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon