Copyright © matthew_14, 2015.
All rights reserved.
Chapter 8
Black Pixma.
Ito ang grupo kung saan ang mga pinaka-tanyag na mga doctor sa mundo ay nagsama-sama. Lumilikha sila ng mga bagay na makatutulong sa lipunan. Ang pangunahing gawain ng grupong ito ay nakatutok lamang sa medisina.
Ngunit, isa rin sila sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng mga halimaw ngayon. Noong namatay ang kanilang pinuno na si Dr. Levy, nagkaroon ng kakaibang kalakaran ang grupo. Kung noon ay tumutulong sila upang mapuksa ang malaking problemang kinakaharap ng mundo, hindi na ngayon. Lumilikha sila ng kung ano-anong halimaw na kumakain sa mga buhay na tao.
Si Dr. Dominico.
Siya ay naging kabilang sa Black Pixma noon, pati na rin ang mga magulang nila Angel at Devone Levy na namatay dahil sa isang eksperimento na naging proyekto rin nila. Dahil doon ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga grupo at ang iba ay lumisan na lang sa kaniila.
Lumipas ang panahon, dumating ang delubyo na lumalamon sa buhay ng mga tao. Tumulong ang taga Black Pixma sa mga sundalo na lumalaban sa mga halimaw, nilagyan ito ng mga gamot para mas lalo silang lumakas at tumibay.
Pero hindi nila alam na may malaking epekto ito sa katawan ng tao.
Huli na nilang na-diskubre na may kakaibang epekto nga ito sa katawan ng isang tao. Noong nalaman nila ito, nagpatuloy sila sa ginagawa nila. Minabuti nilang gawin ito dahil alam nila na kakailanganin nila ng mga taong magagamit nila sa mga darating pang araw.
Sotiria.
Binabalak kalabanin ng Black Pixma ang Sotiria dahil hindi nila ito mapasunod sa mga gusto nito. Gusto nila itong sakupin dahil alam nila na mas lalo silang lalakas kung aanib ang Sotiria sa kanila. Sa una nilang subok na sakupin ang Sotiria ay nabigo sila dahil masyadong malakas ito at kulang pa ang Black Pixma sa gamit at tao.
Ngunit dahil sa mga nalaman nila sa ginawa nilang eksperimento ay gagamitin nila ito para masakop o matalo ang Sotiria. Ngayon, lumilikha sila ng mga tao na kung tawagin nila ay hybrid na may kakaibang lakas, pag-iisip, at kakayahan.
Ayon lang ang alam nilang paraan para matalo ang Sotiria.
Dr. Mason.
Siya ang kasalukuyang pinuno ng Black Pixma na lumilikha pa ng mga halimaw sa mundo. Naging kaibigan niya si Dr. Dominico kaya may kaalaman siya kung paano nilikha ng kaibigan niya ang mga halimaw na ngayo'y nagkalat sa kung saan-saan.
Siya ay nakasuot palagi ng pormal na damit na kulay itim, nakataas ang buhok nito na kulay pula at matipuno ang pangangatawan. Matangos ang ilong nito at kulay itim ang mga mata, makinis ang mukha nito na parang hindi tumatanda dahil sa ginagawa nito sa katawan niya.
Ms. Alpha.
Siya ang pangunahing sekretarya ni Dr. Mason. Siya ang sumasama palagi sa mga pag-uusap nito tungkol sa malaki nilang plano laban sa Sotiria. Malaki rin ang naiambag nito sa grupo dahil minsan na rin siya ang nagsakripisyo para lang magpatuloy ang Black Pixma.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mystery / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...