Copyright © matthew_14, 2015.
All rights reserved.
Chapter 2
Kent’s POV
“HAPPY NEW YEAR!”
Sigaw ng bawat isa dito sa loob ng base ng Sotiria. Nag-sasaya silang lahat dahil bagong taon na, at dahil nga bagong taon ay panibagong pag-asa ang ibig-sabihin nito sa amin. Umaasa ang bawat isa dito na makaka-hanap pa ng solusyon sa bawat problemang nangyayari sa mundo.
Ang Sotiria, mas Malaki ‘to kumpara sa “Safe Zone”. Mas doble ang lawak at mas mataas ang harang nito sa bawat dulo nito. Nag-mistulang munting siyudad ito dahil sa mga street nito. May mga maliit na bahay at may mga mayayabong na puno. Kung iisipin, kapag nandito ka ay parang bumalik ka sa normal na panahon. LIgtas, walang pangamba sa mga zombies na nasa labas nito.
Kami naman dito sa base, isa ‘tong gusali na hanggang siyam na palapag. Ang lahat ng nandito ay mga nangangasiwa ng Sotiria, at kasama kami ni Angel do’n. Dahil nga’t naging opisyal kaming dalawa sa Safe Zone, ay kinuha na ‘rin kami dito bilang opisyal ‘din.
Namamahala kami ng mga sundalo o mga Volunteersna lumalabas ng Sotiria para mag-hanap pa ng iba pang survivors. Gano’n ang patakaran dito, masaya at ligtas.
Pero kahit nandito kami ni Angel, hindi kami masaya. Dahil sa nangyari no’n kila Evan, ilang araw pa lang ang nakalipas ay hindi parin namin matanggap ang pagkamatay nilang dalawa ni Mark, pati na ‘rin ang iba pang opisyal.
Napaka-sakit sa akin na dalawa sa matalik kong kaibigan ay wala na. Si Mark, na tumulong sa akin at samahan ako sa mga panahong wala akong kasama. Si Evan, na iniligtas ako sa tiyak na kamatayan. Walang araw na hindi ko sila iniisip, nakakalungkot, nakakapang-hina na katotohanang hindi na namin sila makikita pang muli.
Si Angel, lagi lang siya sa kwarto niya. Dito ‘din kami mismo sa Base nakatira at magkatabi lang kami ng kwarto. Ang kwarto namin ay tama lang para sa amin, may kama na tutulugan. May mga cabinet para sa mga gamit namin at damit, at Hologram television para sa mga announcements at mission na gagawin namin. Mayroon naman na palabas na mapapanood ‘din doon para hindi kami ma-boring.
Simula no’ng nangyari sa Safe Zone, lagi na lang tulala si Angel sa kwarto niya. Nakatingin lang ‘to sa bintana niya at minsan maririnig ko na lang na umiiyak ‘to at sinisigaw ang pangalan ni Evan. Nag-iba ang personalityni Angel simula ng mapunta kami dito. Ang sabi ng mga tumingin sa kanyang doctor, nagkaroon siya ng trauma dahil sa aksidenteng kinamatay nila Evan.
Hindi niya matanggap na wala na ang pinakamamahal niya, si Evan.
“Sir Kent!” tawag sa akin ng tinuturuan kong volunteer na babae. Agad naman akong napalingon dito habang nakatayo lang ako sa gilid ng pinagdarausan ng kasiyahan.
“Oh bakit?” tanong ko sa kanya nung nakalapit na ‘to sa akin.
“Si Ma’am Angel po, umiiyak na naman.” sabi niya na may pangangamba sa mukha.
Agad akong tumakbo pabalik sa kwarto namin, sa ikatlong palapag ng gusaling ‘to. Sumunod ang nagsabi sa akin no’n at nakarating kami sa ikatlong palapag. Hindi ko muna siya pinapasok sa kwarto ni Angel at pinaghintay siya sa labas nito.
“Angel!” tawag ko sa kanya nung nakapasok na ako sa kwarto niya. Pero hindi niya ako pipansin, patuloy lang siyang umiiyak, tuloy-tuloy at tila hindi ‘to napapagod sa ginagawa niya habang nakaupo sa kama niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/17649642-288-k317822.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mystery / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...