Copyright © matthew_14, 2016.
All rights reserved.
Chapter 27
Nicole's POV
Isang buwan.
Isang buwan na pala ang nakalipas simula nang nangyari ang araw na iyon. Kahit na lumipas na ang ilang linggo ay hindi pa rin nawawala ang sakit. Sakit dito sa puso ko noong lumisan siya. Hindi ko akalain na mangyayari ito sa kanya.
Hanggang ngayon, nanunumbalik pa rin sa ala-ala ko ang mga nangyari. Bawat pangyayari, takot, kaba at pangungulila. Hindi ko akalain na ganito ang mararanasan ko, malayo sa inaasahan kong mangyayari.
Nandito pala ako sa sementeryo sa loob ng Sotiria. Hindi ito kalakihan, pero sapat na para sa mga nakalagak dito. Punong-puno ng mga puno, katamtaman na damo, at may isang establisyimento para sa mga nakalagak na mga abo.
Kasabay nang tahimik at katamtaman na ihip ng hangin ay ang pagtulo ng mga luha ko na pumapatak sa lapida niya.
Katabi nito ang bulaklak na pinitas ko malapit lang dito. Para kahit papaano ay may maialay man lang ako para sa kanya.
"Bakit gano'n? Kung kailan nagsisimula na tayong lumaban saka ka nawala? Hindi ba't sabi mo noon sa akin ay walang iwanan? Pero bakit ganito? Iniwan mo na ako?" at saka sunod-sunod na patak ng luha ko.
"Ang sakit, sobra. Noong mga huling oras mo ay ako ang kasama mo, at nakita ko kung paano ka nahirapan dahil sa kundisyon mo. Ramdam ko ang bawat daing mo, sigaw mo dahil sa hindi maipaliwanag na sakit." at saka hindi ko na mapigilan na humagulgol.
"B-bakit? Bakit kung kailan umamin na tayo sa isa't-isa bago tayo umalis sa Sotiria na mahal natin ang isa't-isa saka ka nawala? Charlie, ang sakit." at saka huminga ako ng malalim dahil sa sunod-sunod kong pag-iyak.
"Sana sinama mo na lang ako, dahil ikaw na lang ang natitira kong minahal ng ganito. Mas gugustuhin ko pang nakuha ka nila sa akin at dinala kasama sila Evan, kesa ganito. Dahil kahit kailan alam kong hindi na kita makikita pang muli."
Napakagat na lang ako sa kuko ko at napayuko dahil sa emosyon ko. Tuloy-tuloy pa rin nahuhulog ang mga luha ko sa lapida niya --- ni Charlie.
Napahawi na lang ako sa buhok ko noong biglang humangin nang malakas at natakpan ang mukha ko nito. Pero sa hangin na 'yon, pakiramdam ko ay yakap-yakap ako ni Charlie. Katulad ng mga yakap niya noon sa akin.
Mga haplos sa mukha, at mga halik na matatamis. Na kailan man ay hindi ko na mararamdaman pa. Walang mapaglagyan ang sakit na nararamdaman ko ngayon, lalo na't lahat ng ala-ala nating dalawa ay bumabalik sa isipan ko ngayon.
Noong pasikreto tayong tumatakas sa training natin para magkasama lang tayo dahil alam nating bawal ang magkarelasyon sa mga volunteers. Pumupunta tayo rito sa sementeryo dahil alam nating bihira lang ang tao rito at walang makakakita sa atin. Masaya tayong naghahabulan, naglalaro sa mahanging lugar na ito.
Pero hindi kalaunan ay nalaman din ni Capt. Kent ang relasyon nating dalawa. Natakot tayo noon na baka bigla niyang sabihin kay Ms. Recamor, pero naintindihan niya tayo at wala itong problema sa kanya. Basta ang paalala niya lang sa ating dalawa ay mag-ingat at huwag ipaalam kahit kanino, kahit pa sa mga co-volunteers natin.
Laking pasasalamat natin noon kay Capt. Kent, dahil imbis na pigilan niya tayo ay tinulungan at sinuportahan pa niya tayo. At hindi rin nagtagal ay nalaman din ni Capt. Gello ang relasyon natin, pero kinausap siya ni Kent kaya naging maayos tayong dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/17649642-288-k317822.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mystère / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...