Copyright © -Redemption, 2017.
All rights reserved.
Angel's POV
Anim na buwan
Halos anim na buwan na pala ang nakakalipas noong nagkaroon ng pagkakataon na gumanti ang Sotiria sa Black Pixma. Maraming nagbuwis ng buhay para lang sa kapayapaan ng bawat isa. Maraming sugatan at marami rin ang nasira.
Ilang buwan na rin pala ang nakakalipas noong pinanganak ko si Calvin...
Ang anak namin ni Kent.
Ngayon, nandito kami sa sementeryo at nakaupo. Dumadalaw lang kami sa isang puntod ng pinakamalapit na tao sa buhay ko.
Marami kaming pinagdaan sa buhay. Nagawa ang mga bagay na hindi namin akalain na magagawa at mga pagsubok na akala namin ay hindi na namin malalampasan pa. Pero noong nawala ka, halos gumuho ang buhay ko at nawalan ng pag-asa.
Pero kahit sa kabila ng mga nangyari, binigyan mo pa rin ako ng pag-asa para mabuhay kahit wala ka na. Naalala ko na lang yung mga panahon na magkasama tayo at doon napapangiti na lang ako. Alam ko kung kasama kita ngayon, mas kumpleto ang pamilya ko.
Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang mga bagay na nangyari halos anim na buwan na ang nakakalipas.
****
Six months before present day.
Evan's POV
Malapit na.
This is a suicide mission.
Magkaka-alaman na kung anong mangyayari mamaya. Lahat kami rito ay kabado pero iisa lang ang gusto namin mangyari...
...ang makapaghiganti kami.
Maraming pamilya ang nasira at nagbuwis ng buhay para lang sa ikatatahimik ng bawat isa. Pero hindi pa rin tumigil ang kalaban at gusto pa kaming ubusin.
Ngayon, ipaparamdam namin sa kanila kung gaano kabagsik ang higanti namin dahil sa ginawa nila sa bawat isa na kasama ko.
"Pag bilang ko ng lima, lahat tayo rito ay tatalon pababa sa loob ng base ng Black Pixma at doon magsisimula ang laban. Pasasabugin natin ng base nila, katulad ng ginawa nila sa atin. Ngayon, handa na ba kayo?!" sigaw ko sa mga kasama ko dito sa loob ng Helicopter at naka-radio naman sa ibang helicopter na kasama sa team ko.
"Handa na!"
Huminga ako ng malalim.
Aminado naman ako na hindi mawala-wala sa dibdib ko ang kaba at takot sa kung anong mangyayari sa amin. Napatingin ako sa labas ng helicopter at nakita ko kung anong itsura ng base nila. Malayo mismo sa community at may malaking wall na naghihiwalay sa mga inosenteng tao nila at sa military.
Marami rin ang mga nakaparada na helicopter at mga tanke na handang magpasabog sa gusto nilang sirain. Oo, at ayon lang ang ginagawa nila.
Manira.
Magnakaw.
Pumatay.
Ang gusto lang namin ay ang maayos ang lahat ng bagay, mabalik muli ang dati namin buhay; pero may isang bagay lang talaga ang humahadlang, at dapat 'yong mawala.
Marami na ang nagsakripisyo, pero sa pagkakataon na 'to ay isasagad na namin para matapos na 'tong gulo.
Sunod-sunod kaming tumalon mula helicopter pababa sa base ng Black Pixma gamit ang tali na nakakabit sa katawan namin. Pagkasampa namin ay agad namin itong pinutol gamit ang kutsilyo na dala namin. Pagbaba pa lang namin ay inihagis ko sa pasugod na kalaban ang crowbar na dala ko, at sumapol ito sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mistério / Suspense*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...
![Stay Alive [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/17649642-64-k317822.jpg)