Caution 12 - The Monster

286 16 1
                                    

Readers,

First of all, sorry readers kasi parang nagiging sabaw na 'yung pag-a-update ko. Meaning, one's a month lang ako kung mag-update. Gustong-gusto ko mag-update kada week kaso dahil nga sa trabaho, eh nahihirapan ako. Sorry talaga, gustong-gusto ko 'tong tapusin kasi, honestly, tapos na 'tong story sa isip ko, ang hirap lang i-publish. Sana po maintindihan niyo po ako. Oh, tama na drama, update na po ako. Pero guys, pipilitin kong mag-update kada week so please bear with me.

-M

Copyright © matthew_14, 2015.

All rights reserved.

Chapter 12

Evan's POV

Ilang linggo na matapos kaming umalis sa subdivision, marami rin kaming nakasagupa at siyempre, muntikan na naman kaming mamatay. Ano pa bang bago?

Kasalukuyan naman kaming naglalakad dito sa EASTWOOD, nakakamis rin kasi 'tong lugar, naalala ko dito na parang baligtad ang buhay ng mga tao. Kapag gabi, maraming tao at buhay na buhay, kapag sumapit naman ang umaga, kaunti na lang ang tao.

"Ano bang ginagawa natin dito?" tanong ni Kyle sa amin.

"Nag-trabaho kasi ako dito, Call center agent. At ang alam ko, maraming stock na pagkain kada floor. Oh, kaya sa office namin, doon sa eight floor," sabay turo ni Mark sa building kung saan daw siya nag-trabaho dati. "Kung ako sa inyo, pupunta tayo doon at maghahanap ng pagkain pati na rin gamit. Tsaka, malay ba natin? Baka may mga survivors tayong makita doon at makasama pa natin, 'di ba?" sabi ni Mark sa amin.

Tumingin na lang ako sa kanya, "Mukha ka talagang pagkain. Tignan mo, 'yung pagkain natin na dapat pang-limang araw, naging tatlong araw lang dahil sa katakawan mo!" sabi ko sa kanya.

"Came from you, huh. Sino kaya ang malakas kumain," sagot niya sa akin.

"Ano ba kayo, tumigil na nga kayo, pumunta na lang tayo doon sa building, tignan niyo 'yung langit, oh, makulimlim, parang uulan ng malakas. Tara na!" sabi naman ni Leigh.

"Sige, tara na." sabi ko.

Actually, ibang-iba na talaga ang lugar na 'to, kung dati malinis, ngayon, sobrang dumi. Magkakadikit kasi ang mga building dito tsaka matataas. Eh, kaso, 'yung ibang building nasusunog na, oh kaya basag-basag na rin ang mga salamin.

"Papasok na tayo sa building, handa na kayo?" tanong ko sa kanila.

"Game, tara." sabi ni Mark, tapos sumenyas na lang 'yung magkapatid.

Hinanda na namin ang mga gamit namin, kay Kyle, 'yung Crossbow niya, si Leigh 'yung machete niya, si Mark, siyempre, 'yung favorite niyang palakol, at ako, crowbar.

Pagkapasok namin sa building, walang katao-tao, I mean, walang ka-zombie-zombie. Puro dugo nga lang ang nasa paligid nito pati na sa sahig. Doon sa puwesto ng receptionist, puro dugo na rin, wala ng mga katawan, oh, iba pa.

Pumasok pa kami, at bumungad sa amin ang puro elevator.

"Tropa, may kuryente pa. Gagamit ba tayo ng elevator?" tanong ni Mark sa amin.

"'Wag! Kasi noong nakapanood ako ng Resident Evil, pagbukas ng elevator, maraming zombies, kaya hindi advisable na gumamit ng elevator, tsaka baka ma-trap pa tayo sa loob niyan, problema pa." sabat ni Kyle.

Stay Alive [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon