Copyright © matthew_14, 2016.
All rights reserved.
Chapter 15
Jommer's POV
"'Wag!"
sigaw ko noong bigla akong napaupo sa puwesto ko.
Grabe ang pawis ko, ramdam ko na tumatagaktak ito sa buong mukha ko. Kinapa ko ang sarili ko, ginalaw ko ang buong katawan ko. Normal ako, normal.
Panaginip lang.
Noong napansin ko na may mali sa puwesto ko, inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nandito parin ako sa loob ng nakataob na sasakyan namin. Hinanap ko ang mga kasama ko, ngunit wala sila!
Pinilit kong tumayo, pero nakaramdam ako ng sakit ng katawan. Halos nalamog ang katawan ko dahil sa nangyari. Pero pinilit ko parin tumayo para mahanap ang mga kasama ko.
"Ayumi! Nicole! Nasaan kayo?" sigaw ko.
Pero kahit anong sigaw ko sa kanila ay wala akong naririnig na boses.
"Anong nangyari? Nasaan na sila?" tanong ko sa sarili ko.
Naghanap-hanap pa ako, pero wala talaga akong nakita. Wala talaga sila dito, kaya minabuti ko munang kunin ang mga gamit ko, ang mga baril ko pati na rin ang first-aid kit ko. Ngunit nakakapagtaka lang dahil isang party bomb na lang ang nandito, wala na 'yung iba. Tapos isang dessert eagle na lang pati rifle, kinuha nila? Hayaan ko na nga.
Noong lalabas na sana ako ay nakarinig ako ng hindi magandang boses. Paglingon ko sa likod, nakita ko 'yung driver namin na naging zombie na! Ang masama pa nito, papalapit siya sa akin!
Agad kong kinuha ang baril ko pero huli na ang lahat, dahil nasugod na niya ako. Nabitawan ko ang baril ko at napahiga dahil sa pagsugod ng zombie na 'to sa akin! Pilit kong nilalayo ang ulo nito sa tapat ng mukha ko. Kakagatin na niya ako!
Kakailag ko sa mukha niya gamit ng kamay ko ay siya namang kagat niya sa daliri ko!
"Ahhh!!"
Kaagad kong tinanggal ang daliri ko sa bibig niya pilit na inaabot ang baril na tumalsik kanina. Habang inaabot ko ito, inilalayo naman ng isa kong braso ang mukha nito sa akin para hindi niya ako makagat muli. Noong nakita ko na malapit nang tumulo ang laway nito na may kasamang dugo ay mas lalo akong nagmadaling abutin ang baril ko.
Noong nakuha ko na ito ay saka ko pinagbabaril ang uluhan niya at saka ito tumumba sa akin. Sumakto pa na bumagsak ang mukha nito sa pisngi ko kaya bumuhos lahat ng laway nito sa mukha ko!
"Whaaaaaa!" nandidiri kong sigaw at saka ko ito itinulak palayo sa akin at matapos noon ay saka naman ako tumayo na.
"Kadiri! Bwiset!" sigaw ko.
Agad kong ginamit ang damit kong pang-punas sa mukha ko. Pagkatapos noon ay kinuha ko ang first-aid kit at saka inilabas ang bandage at alcohol. Hinugasan ko muna ang sugat ko ng alcohol saka binalutan ng bandage. Ngunit may isang bagay akong hinahanap ngunit wala akong makita dito.
"Nasaan na 'yung Antivirus?" gulat at pagtatakang tanong ko sa sarili ko.
Kailangan ko 'yung Antivirus! Hindi puwedeng mawala ito dahil kung hindi ko ito maturukan bago magdalawang oras ay magiging isa na ako sa kanila! Hindi puwede ito!
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mystery / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...
![Stay Alive [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/17649642-64-k317822.jpg)