Caution 38 - The Preparation

190 9 15
                                        


Copyright © -Redemption, 2017.

All rights reserved.

Evan's POV

Puro pagsabog, talsik ng dugo, putok ng baril at mga nasasawing mga tao ang nakikita ko habang nagaganap ang paglalaban ng Sotiria at Black Pixma. Unti-unti ay nagkakalagasan ng mga tao sa dalawang kampo.

Nagbubuwis sila ng buhay para sa pinapaniwalaan nilang tama. Nagbubuwis sila ng buhay para sa mga mahal nila sa buhay. Hindi ko alam kung ano ang mg rason nila para makipag-patayan sa isa't-isa, pero iisa lang ang nasa isip ko...

....gusto ko na lang matapos ang lahat ng 'to.

Habang kasama ako sa pakikipagbakbakan sa black pixma, may nakita akong isang lalaki na papalapit sa akin at may kasama pang apat na tao. Natatakpan ang mukha nito gamit ang itim na tela na hanggang ilong lang ang sakop. Malaki ang pangangatawan nito at alam kong kaparehas ko siya.

Isa rin siyang hybrid.

Habang abala ang iba sa pakikipag-away sa kalaban, ang lalaking nakatakip ang mukha ay tila naghahamon sa akin ng patayan. At alam ko 'yon dahil ang sama ng tingin nito sa'kin. Akala ko ay pasugod na siya dahil akmang kukunin nito ang samurai na nakasabit sa kanyang likuran, ngunit nagkamali ako.

Tinanggal niya ang tela sa kanyang mukha at bumungad sa akin ang isang lalaking hindi ko inaasahan na makakalaban ko.

"Kuya Luke?!" gulat na sabi ko.

"Ngayon, mamamatay ka na!" sigaw nito sa akin.

Natulala na lang ako sa nakita at narinig ko, at dahil sa mabilis itong kumilos ay agad siyang nakapunta sa harapan ko at hiniwa ako sa dibdib.

Agad akong napahawak sa hiwa na dinulot niya sa akin para mapigilan ang buhos ng dugo ko. Bumagsak na lang ang katawan ko at ramdam na ramdam ang pagbalagbag sa sahig. At habang umaagos ang aking dugo, tinignan lang ako ni kuya at nginitian.

"Kuya, bakit mo ginawa 'to?" tanong ko sa kanya.

"Dahil nararapat lang 'yan para sa'yo, mamatay!"

Hindi na ako makapagsalita dahil kahit ang bibig ko ay bumubuhos na rin ng mainit at malapot na dugo.

Habang unti-unting nanghihina at nahihirapan nang huminga, tinitignan ko lang si kuya. Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya rito. Napakasaya ko dahil buhay pa siya, pagkatapos ng napakatagal na pagkalungkot at paghihinagpis ay natigil na rin ito.

Ngunit pati ang paghinga ko ay siya na rin ang tumapos.

Unti-unting nagdidilim ang paningin ko, sumisikip ang paghinga at nararamdaman na mawawala na ako sa mundong ito. Patuloy pa rin akong nakatitig kay kuya, nakangiti pa rin siya at natatawa dahil sa ginawa nito sa akin.

Ilang segundo, bigla itong napalitan ng pag-aalala at lumuhod para yakapin ako. Bigla na rin itong umiyak at niyugyog ang katawan ko.

"Evan! Evan! Gumising ka!"

"EVAN!"

At saka ako nagising sa kwarto ko.

"Kuya." Ayon na lamang ang nabanggit ko.

Panaginip lang.

Panaginip lang pero tila totoo na ang mga nangyari. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, magkahalong saya at takot. Masaya ako dahil nakita ko si Kuya, pero natatakot ako kung mangyari man ang panaginip ko.

Hindi ko kayang labanan ang nag-iisa kong pamilya, Kuya at kasangga simula pa ng bata ako. Wag naman sana.

May kumatok naman sa pintuan ko at mabilis akong bumangon sa pagkakahiga para pagbuksan 'to. Nakita ko naman si Popo na natutulog parin at tila namulat noong nagsimula akong lumakad. Pagbukas ko ng pinto, unexpected na siya ang makikita ko.

Stay Alive [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon