Copyright © matthew_14, 2015.
All rights reserved.
Chapter 11
Kent's POV
Hindi parin matanggal sa dibdib ko ang sobrang kaba at takot. Hindi ko alam, may ibang parte ng katawan ko na nanginginig simula nang nagpakita si Angel ng gano'ng pag-uugali. Halos mag-iisang oras na walang malay si Angel dahil sa itinurok na pampatulog ni Elite kanina.
Si Elite, tinanong ko siya kanina kung ano na ba talaga ang nangyayari kay Angel, pero parang nagdadalawang isip pa siya kanina, kaya pinilit ko siyang sabihin sa akin kung anong lagay na ni Angel.Ngunit hindi pa siya sigurado kaya aalamin niya muna kung totoo ang hinala niya sa kalagayan ni Angel.
Tulala.
Ayan lang ako ngayon habang hinihintay si Elite na dumating para sabihin sa akin kung ano na ang totoong kalagayan ng mahal ko. Kung dumating man si Elite mamaya, sana naman ay hindi malala ang kondisyon ng Angel, dahil natatakot ako para sa kanya.
Katahimikan.
Siguro tunog lang ng machine at hininga ko lang ang naririnig ko ngayon dito sa clinic. Wala kasi kaming kasama ni Angel dito. Kaya mas lalo pa 'tong nakapagdadagdag ng kaba sa dibdib ko.Sa totoo lang, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Marami akong iniisip ngayon, ang kalagayan ni Angel, ang pagkamatay ni Muller, at ang mga Volunteers. Sila ang pangunahing iniisip ko ngayon, at kung wala man lang ako makakausap tungkol doon ay siguradong kahit anong oras ay susuko na ako.
Iba.
Iba ang bigat sa dibdib ko noong nagkasunod-sunod ang mga nangyari sa Sotiria, pero wala akong magagawa kung hindi harapin na lang 'yon. Dahil wala rin naman akong mapapala kung aatras ako, eh. Sana, buhay pa si Evan ngayon para matulungan niya ako sa mga sitwasyon na 'to, lalo na kay Angel.
Nabasag ang katahimikan noong dumating si Elite na may dalang mga records. Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko at sinalubong siya.
"K-kamusta na ang kalagayan ni Angel?" tanong ko sa kanya.
"Sandali lang, binabalaan na kita Kent, hindi maganda ang lumabas na resulta sa pag-alam namin sa kalagayan ni Angel," seryosong sabi ni Elite.
Napatingin naman ako kay Angel na natutulog lang at saka huminga nang malalim at kinausap ulit si Elite, "Alam ko, kanina pa ako handa, Elite."
"Aware ka ba sa tawag na Alter-Ego o Dual Personality?"
Sandali akong hindi nakasagot sa tanong ni Elite, tila ba may humampas ng sobrang lakas na bagay sa dibdib ko noong narinig ko 'yon.
"Oo, alam ko 'yon. B-bakit?" tanong ko sa kanya kahit alam ko naman ang isasagot niya sa akin.
"Mayroon si Angel ng gano'n disorder, pero nagsisimula pa lang 'to at kaya pang magamot. Noong sinimulan ko siyang gamutin, nahalata ko na agad 'yon sa kanya. May mga senyales kasi akong nakita, kaya inilagay ko agad 'yon sa observation list ko. Kaya kanina, sa lahat ng mga sinabi mo ay nakumpirma ko na mayroon nga siyang sakit na gano'n," Paliwanag sa akin ni Elite.
Nanghina ako, halos gusto kong maiyak, hindi ko alam kung bakit pero bahagyang sumasakit ang mata ko at gusto nang lumuha.
"A-ano sa tingin mo Elite ang dahilan nito?" tanong ko sa kanya habang pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mystery / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...
![Stay Alive [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/17649642-64-k317822.jpg)