Copyright © -Redemption, 2016.
All rights reserved.
Mark's POV
Sa bawat pagdaan ng mga araw, lalong nagiging maayos ang sitwasyon ng bawat isa. Hindi na muling sumugod ang Black Pixma sa kampo ng Sotiria, pero nais maghiganti ng Sotiria sa mga ginawa ng kalaban sa kanila.
Maingat na pinag-pa-planuhan ang pagsugod sa kalaban, dahil ayaw na nilang masayang pa ang mga buhay na magbubuwis para lang matalo ang kalaban. Sa oras na ito, hindi na sila magdadalawang-isip na tapusin ang buhay ng bawat isa sa kampo ng kalaban --- kung kinakailangan.
Bakit ko nga ba nasabing nila?
Noong bumalik ang mga ala-ala ko, doon ko natandaan lahat kung saan ako nanggaling, at ano ba talaga ang misyon ko.
Kalaban ako ng Sotiria.
Isa ako sa mga nagbabalak na patayin lahat ang mga tao na narito, pasabugin at gawing abo ang lugar na 'to.
Pero dati 'yon.
Ngayon, nalaman ko kung anong intensyon ng black pixma sa kanila, at kung bakit galit na galit ito sa sotiria. Dahil gustong pamunuan at lumuhod ang bawat isa sa kanila. At hinding-hindi mangyayari 'yon.
Ang kagustuhan lang ng Sotiria ay mapuksa at maibalik sa normal ang pamumuhay ng bawat taong nabubuhay pa. Pero may mga halimaw lang talaga na pilit itong hinahadlangan.
Sigurado, marami sigurong nagtataka na tatlo kaming kinuha ng Black pixma ngunit sila Evan at Leigh lang ang sinira ang isipan.
Bakit ako, hindi?
Dahil iba ang ginawa nila sa akin. At sa pagkakataon na ito ay wala na akong matatakbuhan. Wala na akong magagawa kung hindi sumunod sa kanila at traydurin ang Sotiria.
... traydurin ang Sotiria...
Oo, tama.
Tama ang lahat ng sinabi ko. Hindi ko ito masabi sa iba dahil natatakot ako na baka malaman ang Black Pixma na tumatalikod ako sa pangakong binitiwan ko sa harapan nila...
...na gagamitin nila akong Espiya sa loob ng Sotiria.
Ito lang ang nakikita kong paraan para mailigtas ko ang Kuya ko.
Ang kuya ko na hawak nila ngayon.
Noong dinala nila kami sa Black Pixma ay kinausap ako ng pinuno nila at isiniwalat nila lahat ang mga ala-alang nawala sa isip ko. Doon ko natandaan ang lahat, kung sino ba talaga ako at bakit pa ako buhay.
Pinakita nila sa akin si Kuya, buhay siya pero nakakulong ito. Hindi dahil sa ayon ang kundisyon nila sa aming dalawa kung hindi ginusto niyang makulong siya.
Dahil ayaw niyang manakit.
Ibang ala-ala ang itinanim nila sa utak ng kuya ko. Ang nasa isip niya ay patay na ako at siya ang may gawa no'n. Nag-sisisi siya sa mga nangyari at ayaw na niyang makapanakit ng kung sino pa man kaya pinili na lang niyang magkulong o sabihin na nating magpakulong.
Pero ang dagdag pa nito sa akin ay hindi siya tina-tratong preso, dahil kahit anong oras ay puwede siyang lumabas kung gugustuhin niya, pero sa tingin ko ay hindi niya gustong gawin 'yon dahil magdadalawang taon na rin simula noong nando'n siya at hanggang ngayon ay hindi siya lumalabas.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mystery / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...
![Stay Alive [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/17649642-64-k317822.jpg)