Caution 33 - Reunited (Part III)

225 9 3
                                        


Copyright © -Redemption, 2016.

All rights reserved.

Angel's POV

"Evan..." bulong ko noong nakita ko si Evan na kinalaban niya ang kuya nito habang nakatago ako rito sa isang Janitor's room at nakabukas ng kaunti ang pinto.

Wala akong ka-alam-alam kung bakit niya ito ginawa, at parang hindi siya ang Evan na nakilala ko. Alam kong may mali sa mga nangyayari, at isa na 'yon ang nakita ko. Mas lalo pa akong nagulat no'ng nakita ko si Gello na lumabas sa kabilang hallway at saka nito binaril si Luke ng Syringe sa leeg. Nawalan ito ng malay at parehas bumagsak ang magkapatid.

"Mabuti naman at dumating ka," sabi ni Evan kay Gello.

"Nakuha ko na ang Solution, handa na tayong bumalik sa Black Pixma." sagot ni Gello.

"Sige." sagot ni Evan.

Tinulungan ni Gello na tumayo si Evan at saka pinakita ang Solution na hawak nito. Ang Solution, ayon ang ginawa nila Elite na mas matindi pa sa Antivirus, pero paano nila 'yon nakuha?

"Tara na, may ibang team ang kukuha sa katawan ni Luke." yaya ni Gello.

"Mauna ka na," sagot ni Evan habang tila may hinahanap at nakakunot pa ang noo.

"Ba't may problema ba?"

"Basta, mauna ka na."

"Pero kailangan na nating umalis!"

"Ang sabi ko, UMALIS KA NA!" sigaw ni Evan sa kanya,"May iba pa akong misyon na dapat gawin."

"Wala ka ng ibang misyon kung hindi ito lang!"

Kinwelyuhan naman ni Evan si Gello, "Kapag hindi ka umalis, babaliin ko ang leeg mo. Umalis ka na!" galit na sabi nito at saka tumakbo paalis si Gello.

Pagkatapos no'n ay naglakad na si Evan pasalungat kung saan pumunta si Gello. Noong palapit siya sa kwarto kung nasaan ako ay bumilis lalo ang tibok ang puso ko. Nakakatakot siya, parang kahit anong oras ay sasabog ito sa sobrang galit.

Baliw siya, na parang may isang personality ang kumo-control sa isip nito. Sa nakikita ko ngayon, ito ang Evan na dapat hindi pinapakita o inilalabas dahil hindi siya mapipigilan kapag nagwala ito.

Noong kumaliwa na siya ng daan papunta sa isa pang hallway ay agad akong lumabas sa kwarto para sundan ito. Baka kasi may gawin pa siyang problema na puwedeng ikapahamak ng iba. Siguro naman kapag nakita niya ako ay magbabago ang isip niya, posibleng bumalik ang Evan na kilala ko, pero posible rin na hindi. I'm in a Life or Death situation, but it's ok to take a risk kung para naman sa kanya at sa ibang tao.

Dahan-dahan lang akong naglalakad para hindi niya marinig ang hakbang ko. Tumingin naman ako saglit kay Luke na wala pang malay. Kailangan ko siyang maitago sa kwarto kung nasaan ako kanina. Lalapitan ko sana siya pero narinig ko ang pagtakbo ng mga tao. Sa pagkakarinig ko ay mga kalaban ito kaya agad akong tumakbo palayo at dumiretso sa hallway kung saan dumaan si Evan kanina.

Sumilip muna ako kung nando'n pa siya, mabuti na lang ay wala. Nakalayo na ata, pero paano 'yan? Paano ko siya masusundan? Tsk. Tinignan ko si Kuya Luke kung ano ang ginagawa sa kanya ng mga kalaban. Pinulsuhan muna sa leeg at pagkatapos ay dinala na agad ito.

Stay Alive [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon