Caution 37 - Redemption Begins

261 14 20
                                    

Copyright © -Redemption, 2016.

All rights reserved.


Leigh's POV

Hindi ko maintindihan.

Sa dinami-daming tao sa mundong ito, I mean sa mga natitirang tao dito sa mundo, bakit kami pa. Kami pa 'tong humaharap sa sitwasyon sa pagitang ng dalawang kampo na magka-away.

In the first place, hindi ko talaga alam kung bakit sila magka-away, eh. Parang ang sarap pag-untugin ng dalawang presidente; Si Mr. President ng Sotiria at ng Black Pixma.

Bakit kaya ayaw na lang nila magbati, ano? Para pare-parehas na lang kaming buhay sa mundong ibabaw.

Sira-ulo rin kasi 'tong Black Pixma, eh. Masyadong assuming, gusto niya maghari sa mundo, eh kung pakainin ko kaya siya ng zombie, matutuwa kaya siya?

Nakaka-asar lang, 'di ba?

Tapos...

Ay, ewan.

Teka, bakit ko nga ba 'to sinasabi sa isip ko? Marahil e tinotopak na naman ako at kung ano-anong pumapasok sa isip ko habang nakahiga sa kama at katabi ang pinakamamahal kong babae.

Si Yeng.

Tulog pa rin siya, napagod ata.

Oo, napagod siya.

Bakit?

Teka-teka, mali 'yang mga iniisip niyo. Marami kasi siyang ginawa at inasikaso, pero hindi ako kasama do'n.

Kala niyo, ah!

Teka, maiba tayo. Simula ng magising ako sa katotohanan na gwapo ako este sa paggamit sa akin ng Black Pixma, may kakaiba akong nararamdaman sa katawan ko. Pakiramdam ko e mas lalo akong lumakas.

Parang lagi akong may tine-take na Energy Drink at matagal ako bago mapagod, at take note, may isang beses na sobrang nagalit ako at napansin ko na may pangil na tumubo bigla sa ngipin ko.

At doon ko na naalala ang nangyari kay Evan.

Hindi kaya dumating na ko sa point na magiging halimaw na ako? Pero, ang weird kasi kaya ko siyang ma-control, unlike do'n kay Evan na tila hindi niya ata na-control kaya halos magpatayan pa sila ni Mark.

Marami-rami pa akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko, pero hayaan mo na, kung ano man ang mangyari sa akin...

Eh, 'di wow.

"Oh, ang aga mo atang gumising," sabi sa akin ni Yeng sabay himas sa dibdib ko pababa sa abs.

Napangiti naman ako bigla,"Mas okay na maaga akong gumising, kesa naman walang gising! Hehe."

Bigla naman niyang piningot ang ilong ko, "Ikaw talaga!"

"Ah-ahhh! Aray-aray! Mashaket!" at talagang pinanggigilan pa niya ang ilong ko.

"Alam mo na? Masakit talaga kapag hindi ka tumigil sa kagaganyan mo." Sabi niya sa akin at saka siya aakmang tumayo paalis ng kama. Agad ko siyang hinila pahiga at niyakap ko siya sa likod.

Inamoy ko ang mabango niyang buhok at saka hinalikan ang ulo nito. Medyo napapasarap ang yakap ko kaya hindi siya makapalag.

"Sana ganito na lang tayo, 'no? Masaya, wala masyadong inaalala." At hinalikan ko ulit siya sa batok. "Kaso sa apat na sulok lang ng kwartong 'to nag-eexist ang peace."

"Wala tayong magagawa. Kung hindi tayo aaksyon, walang mangyayari." Sagot niya sa akin.

Nilapit ko ang bibig ko sa taenga niya, "So, gusto mo may mangyari?" pabulong kong sabi sa kanya, sabay kagat sa labi ko.

Stay Alive [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon