Copyright © matthew_14, 2016.
All rights reserved.
Chapter 22
Kent's POV
Mahal ko siya.
Halos hindi ako makapaniwala sa nangyari sa amin ni Angel. Ni hindi pumasok sa isipan ko na mamahalin niya ako ng ganito. Na nagawa niyangg ibigay sa akin ang sarili niya. Sa bawat halik, haplos, sabunot at kapit niya sa katawan ko ay totoong-totoo.
Akala ko ay panaginip lang ang lahat, pero totoo ang nangyari sa amin. Naramdaman ko sa bawat kilos niya ang pagmamahal nito sa akin. At hindi ko siya binigo, pinaramdam ko rin sa kanya kung paano ko siya kamahal --- sa pisikal na paraan.
Wala akong pinagsisisihan sa ginawa namin. Alam kong buhay pa si Evan pero dahil sa nangyari sa amin ni Angel ay masasabi ko na wala akong ginawang masama. Naka-move-on na siya at ako ang minahal nito, natanggap na niya na wala na si Evan sa buhay nito at ako ang pumalit para mahalin siya.
Sa ngayon, wala muna akong balak na sabihin kay Angel na buhay pa ang kaibigan ko, na minahal niya rin na si Evan. Medyo magulo pa ngayon, at alam kong maguguluhan pa si Angel kung sasabihin ko agad ito sa kanya. Sa tingin ko rin ay hindi magiging maganda sa kanya kung sasabihin ko ito ngayon dahil nga sa ginawa naming dalawa.
Makasarili na kung makasarili, pero ito ako. Marahil ay natatakot lang ako na baka mawala sa akin si Angel. Pero papatunayan ko naman sa kanya na karapat-dapat akong mahalin niya. Siguro ay sasabihin ko na lang ito sa kanya kapag nakahanap na ako ng tiyempo na maayos na ang lahat.
"Wala ka bang balak sabihin kay Angel na buhay pa si Evan?" tanong sa akin ni Katarina. Nandito nga pala kami sa pantry ni Katarina, kami lang dalawa. Bukod kasi kay Gello ay nakakapag-kwento rin ako sa kanya sa mga problema ko, lalo na kung tungkol kay Angel.
"Meron naman," at saka ako humigop ng kape sa tasa."Pero hindi muna ngayon, medyo magulo pa eh."
"Eh kailan ba naging maayos?"
Napahinga na lang ako ng malalim sa sinabi niya."Alam ko naman na kailangan kong sabihin iyon sa kanya eh. Pero, ewan ko ba. Parang natatakot akong sabihin sa kanya na buhay pa si Evan."
"Natatakot ka na baka maagawan ka ni Evan kay Angel?" tanong niya sa akin at saka sumubo ng pancake.
"Ewan,"
"Alam mo, natatakot ka. Halata naman, eh. Magkakaganyan ka ba kung hindi ka natatakot? Kung mahal mo si Angel, patunayan mo. Maging patas ka, mas magandang sabihin mo sa kanya na buhay pa si Evan. Kapag ginawa mo iyon, makikita mo kung anong magiging reaksyon niya. Doon mo malalaman kung sino ba talaga ang mas matimbang sa inyo. Ikaw ba o si Evan?" sunod-sunod na pagsasalita ni Katarina at saka humigop ng kape.
Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi ni Katarina. Tama ang sinabi niya, kailangan maging patas ako. Alam ko naman na as soon as possible ay makakasama na namin siya, alam kong magiging masaya ang lahat, pero kahit alam kong magiging masaya ay hindi parin mawawala ang takot sa pusot'-isip ko.
Mahal ko si Angel, pero kung makita niya si Evan muli ay ako pa rin ba ang pipiliin niya? Tanging siya lang ang makakapag-sabi noon, sa tamang panahon.
Habang tahimik naman kaming kumakain ni Katarina ay nakita kong pumasok si Gello sa pantry at papunta sa aming dalawa.
"Ayos ah, hindi man lang kayo nag-ayang pumunta dito sa pantry." Pambungad agad nito sa aming dalawa at saka umupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Stay Alive [COMPLETED]
Mystery / Thriller*BOOK 2 of Caution: Zombies Ahead! My name is Evan Williamson. I'm just a simple teenager --- a gamer that had a dream to enter in my favorite game. To use all the best guns and other weapons to kill the zombies! I don't know but that dream became t...